Gallery

Dahil Selfish Ako Magsulat

Nung job interview ko, na-rememebr ko ang tanong sa akin ng Vice president at 2 manager sa kompanyang piunagtatrabahuan ko. Kompanyang sa totoo lang, wala akong masabi dahil sa ganda ng benefits.

“How do you cope with stress?”

Ang simpleng sagot ko..

“I write.”

“So if we see you writing in your cubicle, we already know how you feel”

“Maybe.”

At ngayon, dapat wala akong may naisusulat sa blog ko dahil pagod lang ang utak ko pero pagod ang utak ko kasi maraming pumapasok sa utak ko na kailangan kong isulat bago ako sumabog. OA much?

Mother’s Day.

Ma,meron na akong sinulat para sa’yo pero sa next ko na post ok lang? ^^ Gaya nga ng peyborit motto mo, It’s better late than later? Este, never.

Birthday ng kapatid.

Mahal ko. ikaw na ang napagkakamalang boyfriend ko. Mahal na mahal ko kayo ni Kia. Sorry hindi ko pa kayang tustusan pag-aaral mo pero  gagawa ako ng paraan. Tapos pasensya ka na, di ko pa kayo makuha diyan sa lugar naten. Alam mo ba, nung may lalaking umaway saken dito, biglang nalungkot ako dahil naalala kong ako lang ang naka-alis dyan at hindi kayo.

Tapos kung anu-ano na ang bumabagabag sa’kin. Kung anu-ano na ang iniisip ko para matupad ko yung mga pangarap naten. Naalala mo? Tabi tayong tatlo matulog palagi. Bago matulog, sinasabi naten lahat ng mga gusto nating bilhin para kay mama. Kahit na sinasabi mong galit ka saken dahil sa palagay mo naging unfair ang mundo dahil sa akin napunta lahat, lahat ng atensyon, lahat ng  papuri, lahat lahat na lang; gusto kong malaman mo na naiingit ako sa’yo. Dahil may mga bagay na naiintindihan mo na hindi ko naiintindihan, dahil may mga simpleng bagay na nagpapasaya sa’yo, dahil may mga bagay na kaya mong ipahiwatig sa lahat at isa akong malaking duwag.

Noon, gusto mong maging sundalo, maging marine engineer,maging pulis.. ano kaya ngayon ang pangarap mo? Kung may pera ako, hindi kita pipigilan, kunin mo lang ang sa palagay mo ang magpapasaya sa’yo.

Kapatid kong Babae.

Nabalitaan kong may sinuntok ka na naman daw? Alam kong matapang tayo. Alam kong wala na tayong kinakatakutan. Pero  gusto kong malaman mo, na mas malakas si kuya mo, hayaan mong siya ang sumuntok.  Joke lang. Namimiss kita. Sana kausapin mo ako. Sana wag kang mahiya saken dahil akala niyo ganito ako, ganun. Alam mo, marami din akong kapalpakan, marami akong pagkakamali sa buhay. Pwede niyong sabihin saken lahaaaaaaaaaaat ng gusto mong sabihin. Gusto kitang protektahan.Gusto kong bumalik diyan para protektahan ka. Dahil ayokong madaanan mo din ang mga pinagdaan  ko, pero baka huli na ako? Naiinis talaga ako sa gagong lalaking yun. Dahil sa kanya, naalala ko kayo, naalala kong kailangan ko pala kayong balikan.

Quiet Time

Lord, sorry talaga, hindi na naman ako makakapag-quiet time kasi nung binasa ko kanina ang bible habang tinatanong ko kayo kung ano ba talaga ang gusto mong gawin ko sa buhay ko, ang nabasa ko “Go and preach the gospel to all creatures” tapos naririnig ko pa si John Piper sa background na nagsasabing, “Don’t waste your life here” at Only one life will soon be past, only what’s done for Christ will last.

Yun ang kinakatakutan ko Lord, na at the end of the day, sa dinami-dami ng ginagawa ko, wala talaga kong nagagawang makabuluhan o nagagawang related sa purpose ko dito. Kaya ko ba talaga yun Lord? Alam ko sa sarili kong meron kang hinaing misyon para saken pero takot na takot akong tanggapin yun. NAkita ko na sarili ko noon eh,  na nagsasalita sa harap ng mraming tao, at hindi nahihiyang sabihin kung paano mo ko niligtas. Nakita ko na sarili ko noon eh, na nagtuturo sa mg bata kung gaano mo sila kamahal. Pero ngayon, lahat ay parang parte lang talaga ng vision na hindi ko mahawakan.

Sobrang duwag ko lang para umuo. Asan na Kat? Asan na ang sinasabi mo sa kantang “Yes Lord, yes lord, yes,yes Lord?”

Tapos ang nagging feeling na I don’t deserve to say something about You, that someone with  an ugly soul like mine doesn’t deserve to say something about your greatness. Maniniwala kaya sila saken Lord? Maniniwala kaya sila sa isang batang confused sa lahat ng bagay except sa katotohanang buhay na buhay at totoo ka. Na kung maghahanap lang sila,kung magiging bukas lang sila, makikita nilang ang pangalang  sinasabi ng puso nila na kulang ay pangalan mo.

Trabaho.

Gusto ko lang lumuha ng dugo. Sana talaga nag-resign na ako ng mas maaga.  Ang hirap pala kung nasa isang foundation ka. BAkit hindi nila sinabi to? Hindi ako ganito ka handa. Bakit di nila sinabi na merong mga nanay na magkakaawa para gawing scholar yung anak nila. Bigyan ng chance dahil ganito kahirap ang buhay, ganun. BAkit di nila sinabing may mg magpapaliwanang na nasa kulungan tatay nila,na manganganak misis nila. Bakit di nilang sinabi na masakit palang pupuntahan ka ng isang scholar na naging malapit na sa’yo at sasabihan kang may bagsak siya dahil kahit bayad ng yung tuition nila, wala nman silang pambaon. kaya hayun, nag-iiyakan kami habang nagyayakapan habang sinasabi niyang ayaw niyang mawala ang scholarship niya dahil walang trabaho ang parents niya habang ako nama’y paulit-ulit na wag kang titigil sa pag-aaral kasi ganito ganun, tapos  di ganyan ka-importante ang grades sa pghahanap ng trabaho kaya tapusin mo lang kurso mo. Ayokong isipin lahat ng ‘to pero at the end of the day,yung pinaksakit na part, wala din akong magagawa kundi ang sumunod sa patakaran at maging tagapaghatid ng masamng balita.  SA sobrang dami ng pagmamakaawa, natutunan ko ng i-shut ang pandinig ko kapag alam kong papunta na dun ang usapan.😦 Ang masaklap, na-iirita na ako minsan. At na-realize ko na kapag binabyaran ka para “tumulong”, magiging confused ka na kung ang ginagawa mo ay para tumulong o para mabyaran.😦

Pag-ibig.

Para sa nagsabing baka naaawa lang ako kaya sinagot kita at madali lang makipag-break sayo…

Hinintay kong mag-18 ako bago pumasok sa isang relasyon

First boyfriend

Nagharana ako sa harap ng UP dorm ng nakabestida

Nag-try mag-aral magluto

Nakipag-slowdance na music lang sa cellphone ang naririnig 

Gumawa  ng tula,love letter, maikling kwento

Nag-ipon at nag-travel para makilala buong angkan 

Tumagal ng 3 years ang relasyon

Nakipag-break para ma-protektahan ang isa’t-isa

Nope. Hindi ako naaawa lang.

14 thoughts on “Dahil Selfish Ako Magsulat

  1. may nagkuwento dati ng buhay mo sa akin kaya medyo alam ko pinagdaanan mo. alam mo, saludo ako sau. siguro dahil medyo nakakarelate ako sa experiences mo. i’m sure, matutulungan mo mga kapatid mo. just focus on what your goals and stick with it. nagawa ko dati and im sure, mas magagawa mo yun. praying and wishing you well.🙂

    • katrinadanieles says:

      hello apollo!🙂 bumibisita ako sa blog mo,pero di ako nagko-comment, pero if ok lang sa’yo magko-comment na ko.:) hala. sikat na ang lifestory ko.hahah. yeah, my bro made his lifestory a testimony everytime na mag-share siya, hindi pa ako handa. hahah. Salamat sa kind words!🙂

  2. littlemisspataki says:

    Kat, hindi ko rin binasa yung Quiet Time. Alam mo naman, pag may mga Lord, Lord na, nag wawander ang utak ko.

    Matatapang nga kayo. Jusko pati kapatid mong babae maton. Haha. Kaloka.

    Gusto ko rin maranasan yang pa slow slow dance. Nagawa ko na yung pagsulat ng tula, maikling kwento, love letter. Yun nga lang hindi nakarating sa kanya. LOL.

    • katrinadanieles says:

      hahah. ok lang.🙂 read anything you wanna read here,skip read any na ayaw niyong basahin.🙂

      hahah. Kaloka nga eh. Tatawagan ko pa para tanungin kung bakit. LOL

      Ay naku, kasi walang pang slow dance prom namin, kaya kami na gumawa ng paraan makapag-slowdance lang. hahahah. Try mo din. heheh

      Marami din akong loveletters na di nakarating. hahaha

  3. theworshipwarriorbride says:

    hellowie! natuwa ako sa part na Quiet Time…magkakaintindihan tayo sa usaping iyan.🙂 Sa totoo lang I started to love writing nung 13 years old ako at nag-start magQT/devotion. Ang dami ko nang naipon na journal. hihihi…buti nalan naligaw ako dito.🙂

    • katrinadanieles says:

      same here.🙂 I started writing when I was in elementary pero nagka-journal lang talaga ako dahil sa quiet time/devotion.🙂 Buti at naligaw ka dito.🙂 If you’re the worship warrior bride, I’m the prodigal daughter kaya sana wag kang ma-stumble, just be discerning when reading this blog..🙂 Welcome, welcome!

      • theworshipwarriorbride says:

        hahaha…ma-stumble talaga? Syempre hindi ko sasabihing ayos lang ‘yan pero ‘di ko din naman kokontrahin mga post mo…makikibasa lang ako at mogco-comment..hihihi…😉

  4. tagal ko ata hindi nakadalaw dito at gulat na gulat ako sa paraan mo pagsusulat o sa mga sinusulat mo. pero don’t worry, ang nasa kokote ko ay… mature na si kat.

    napaka-sweet mo pa lang ate! Jia You!

  5. Pong says:

    woiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiat kat wag bawasan ang quiet time!
    hahahaha nakakacheck di ba?
    parang nagflasback sa ain lahat ang mga campus ministry days ko, yung ambush evangelism dahil akoang senior sa group namin syempre ako ang pipiliin nilang magpreach sa mga nagsusugal
    oh katttttttttttttttttttttttttttttttttttttttt
    napaluha tuloy ako

    • katrinadanieles says:

      hay kuya!!!! marami akong gustong sabihin sayo. marami akong gustong tanungin.. although i’m struggling with my qt, hindi ko pa naman winawaksi talaga. kamusta ka na kaya diyan kuya? balitaan mo naman kami dito..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s