Gallery

KM3: Tinig(Noise Pollution)

Noise Pollution. Ayos ah. Noon, dumi  sa lupa, hangin, at tubig lang tinuturo samin, ngayon meron ng noise pollution. Definition? IGMG! I-google mo goodie pa-cutesie o  tanungin mo si Mareng Miriam nang makarinig ka ng Waaah!

O ayan, alam mong may noise pollution. Solusyon? Pagsasala. Paano magsala? Tanungin ang mga sumusunod sa pinakamalapit na inanimated object. Ulitin hanggang may sumagot.

1.Kaninong tinig ang dapat at di dapat pakinggan?

2. Anu-ano ang dapat pinag-aaksayahan natin ng laway at tinig?

3.At bakit nga ba talaga naimbento ang salitang noise pollution?

4. Bakla ba talaga si Papa Piolo? Eh si Papa Coco? *optional

5.At anong point na tinatanong ko to?

O hinay-hinay lang sa  pagtatanong, napi-pressure ang inanimated object.

Kaninong tinig ang dapat at di dapat pakinggan?

Mabuti pa yung utot ng pusa, naririnig,11 million views sa youtube. Bakit ko alam? Kaypayn, nakinood ako. Eh yung mga sigaw ng nawalan na ng lupa, nawalan pa ng pamilya, may nakarinig ba? Sa impeachment, andami-daming nagsasalita, sino ang pinagtakpan mo ng tenga at sino ang binigyan mo ng unli- attention? Malapit na ang eleksyon, kaninong tinig ang maririning? Boses ng iyong konsensya o boses ng iyong bulsa?

Anu-ano ang dapat pinag-aaksayahan natin ng laway at tinig?

Sabi ng terorista kong  propesor sa kolehiyo na palaging sumisigaw  ng justice, freedom,equality; kung yung pinag-uusapan ng tao  eh tungkol sa  social sciences tulad ng  psychology, history, political science, at philosophy, at hindi tungkol  sa kung sino yung bagong boylet ni Krissy, eh di sana  nagpupulot na tayo ng brilyantes sa daan kinabukasan. Sabi naman ng seatmate ko “Kat, mag-on na pala si Justin Bieber at Selena Gomez?” Shocks, poorita pa rin kami bukas.

Bakit naimbento ang salitang noise pollution?

IGMG! Nagsimula ba tong IGMG para sa mga di marunong magresearch o para sa mga tamad sumagot? Ay teka, lumalayo na ako sa topic.

Siguro, naimbento  ang “noise pollution” para ipaalala sa atin na  hindi lahat ng sumisigaw, naririnig, hindi lahat ng naririnig, napapakinggan, at hindi lahat ng napapakinggan, may pakinabang. Naks.

Anong point ng mga tanong na yan? Anak ng naka-brace na pating! Narinig ako, pero di napakinggan.

*********************************************************************

Lahok sa pakulo ni kuya kuli: Kamalayang-malaya 3 :)

18 thoughts on “KM3: Tinig(Noise Pollution)

    • katrinadanieles says:

      salamat rj!🙂 malaking bagay para sa kin na naiintidihan ang sinusulat ko at nakakaiwan ng impreson sa mambabasa ko. ^^

  1. Pong says:

    Kat!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    Isusulat ko ulit. Nawala komento ko huhuhu
    1. Namiss din kita, kayo!
    Andito lamang ako pakalat-kalat sa mga blog niyo di lang talaga ako makatambay madalas.
    Dito ako sa mga isla ng indonesia.
    Iba ka talagang magsulat kat, mabalasik, provocative at eye-opening, kumukomento na ako ng ganito ngayon hahahahaha

    Ikaw na kat. Ingat diyan.

    • katrinadanieles says:

      nandyan ka na pala sa malaysia. ikaw na. balik ka na dito sa pinas kuya. dito ka na magturo uli! ^^

      salamat kuya, lumalaki tenga ko, lalo pa’t galing sa KM2 champion!:) pero bet ko talaga yung entry mo kuya, sa totoo lang.🙂 nahiya ako bigla sa inawa ko dahil sa sinulat mo.🙂 talagang every year, gumagaling at gumagaling ka pa! umaangas pa! hahah

  2. “Siguro, naimbento ang “noise pollution” para ipaalala sa atin na hindi lahat ng sumisigaw, naririnig, hindi lahat ng naririnig, napapakinggan, at hindi lahat ng napapakinggan, may pakinabang”

    Makiki-naks naman ako dito Kat. Kapag sumasali ka sa KM, lagi akong napapaisip sa sarili mong estilo. Lagi kang may tanong, nagpapatunay lamang ito na ikaw ay may mahusay na paninimbang sa mga bagay-bagay at sinisigurong nauunawaan ang hinihingi. Ganun din siguro sa buhay mo..ang nais mo’y maunawaan muna ang isang bagay bago magdesisyon. Itong noise pollution mo, ay umangat na naman dahil sa kapayakan pero nandon ang totoong mensahe.

    Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa KM.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s