Selos

Ang tagal lang ni Jessica. Kanina pa ako  naghihintay dito sa coffeshop.

Pasalamat siya bestfriend ko siya mula pa nung pagkabata kaya mapapatawad ko na naman siya.

Si Jessica.  Bestfriend ko. Sabi ng mga kaibigan namin para daw kaming kambal tuko. Palagi kasing magkasama, magkasangga, pakners in crime; sa school plays, school projects, highschool prom at  kahit sa thesis.

Palagi din kaming tinutukso ng mga magulang namin, na bakit daw hindi na lang maging kami eh komportable naman kami sa isa’t isa. Boto din ang dalawang panig.  Babae daw siya, lalaki daw ako, bakit daw hindi. Si Jessica naman, mapapatawa lang at sasabihing, ako lang naman daw ang hinihintay niya. Siyempre joke lang yun. Nagbibiro lang siya.

Kung paano tumagal pagkakaibigan namin? Magkasundo kami sa maraming bagay, she finds me interesting  and I find her trustworthy.

Dumating na siya. Kasama si Jake, yung kilalang varsity scholar sa school. Hindi totoong walang utak lahat ng  member ng basketball team dahil si Jake lang naman ang Editor in Chief ng campus paper at president ng academic organization namin ni Jessica.

Pagkakita nila sa’kin, niyakap ako ni Jesssica.

“Sige,una na ko ‘pre, hinatid ko lang si Jessica” paalam ni Jake sabay tapik sa balikat ko.

Teka,ano na naman ‘tong  nararamdaman  ko?

Konting kirot sa puso.

Oo na. Nagseselos ako.

Nagseselos ako kay Jessica.

6 thoughts on “Selos

    • katrinadanieles says:

      hahah. nakakapagod at ako na ang masokista! hahah. kung wala naman akong ma-post talaga i’ll just post some stories na nagawa ko na noon or baka napost ko na sa blog ko, disclaimer lang, para walang demandahan. hahah!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s