Gallery

Chili Chocolate Ice Cream: Ang Flavor ng Buhay

Ambilis lang ng panahon, parang dati lang,nagba-blog pa ako tungkol sa school, tapos tungkol sa thesis, tungkol sa graduation,tapos tungkol sa paghahanap ng trabaho, tapos tungkol sa trabaho ko mismo at ngayon, ito.

Sa totoo lang, yung ilang taon sa eskwelahan, yung 16 taon,para pala siyang panaginip,akala mo antagal-tagal tapos akala mo parang yun na yun,parang totoo pero alam mong may kontrol ka pa rin, tapos bigla na lang, boom, gising ka na.

Nung nasa graduation ako, pakiramdam ko, parang kaya ko ang lahat, kaya kong harapin ang mundo: kaya kong habulin ang lahat ng pangarap ko, kaya kong maging kahit anong gustuhin ko, kaya kong maging sinong pwedeng maging ako.

Pero iba pala talaga ang real world, iba pala kung meron ka ng payslip, tax, babayarang rent, mga bills,utang, bosses, quota. Ang tottong mundo, akala mo magiging handa ka agad para  rito, pero hindi pala ,para siyang pagsampal lang ng bida sa kontrabida sa isang soap opera, parang ini-expect mo na pero mabibigla ka pa rin.

Para siyang chili-chocolate flavored ice cream, malamig pero nakakapaso  din ng dila, matamis pero maanghang,yup, napaka-confusing. Parang kaya nyang i-offer ang napakarami at opposite flavors sa buhay mo sa parehong oras, lahat ng blessings tsaka curses, tagumpay tsaka pagkabigo, opportunities tsaka closed doors, great people at worst people, nakakapanabik pero hindi pwedeng isubo lahat-lahat.

At kagaya ng chili-flavored chocolate ice cream, dati hinihiling ko na sana merong ganung flavor meron pala, akala ko imposible pero posible pala,noon titignan ko lang, ngayon afford na afford ko na.

Basta, sa halos isang taon, nakita ko sa harap ko ang sarili kong buhay, parang 3d chick flick movie lang habang kumakain ako ng white cheddar flavored popcorn.

Nakita ko kung paano nagsimula lahat,kung paanong nangarap ako ng ganito ganyan, at naabot ko lahat, kung paanong  ang imposible, naging posible, at kung paanong biglang ma-rerealize ng bida sa istorya, na magbabago lang ang lahat, na magkakaroon lang ng tunay na kwento kung may twist o kapag mamimili siya kung sino talaga mahal niya at kung hahabulin ba niya ito sa airport o pipigilan ang kasal o hindi na.

At nandung point ako ngayon sa buhay ko. Nararamdaman ang lahat ng emosyon na pwede kong maramdaman. Namimili. Magdedesisyon. Pero nakakahiya mang aminin, kung ako man ang bida sa isang pelikula, hindi ko alam kung sino talaga mahal ko, hindi ko alam kung kailan magsisimulang tumakbo,o kung paano lusutan ang guard sa airport, hindi ko alam kung kailan pinaka right timing na sabihing itigil ang kasal.

Pero ang alam ko, magsisimula na ang tunay na kwento sa point na to.

13 thoughts on “Chili Chocolate Ice Cream: Ang Flavor ng Buhay

  1. Ako naman pakiramdam ko, hindi pa rin talaga nagsisimula ang tunay na buhay para sa’kin. Nasa bwelo stage pa rin ako hanggang ngayon. At hindi pa rin nakakalipad ang eroplano ko. Pero malapit na, ilang tulog na lang.

    Ang sarap magkwento sa comment box. Ingat Kat, and goodluck. Lagyan mo na lang siguro ng toyo ‘yung ice cream, pambalanse. Kalamansi na rin.

    • katrinadanieles says:

      kaya yan pogi!🙂 ikaw pa!at hihintayin natin ang paglipad mo.🙂

      naintindihan ko kung gustong-gusto mong magkwento. ^^ ikawna ang taga-kwento goyo.🙂 lumipta ka ng blog?Next time, try ko yang toyo tsaka kalamansi sa ice cream. hahah

  2. littlemisspataki says:

    Napakalaking sagabal talaga sa buhay ng taxes na yan. Nako, hanggang ngayon masama ang loob ko pag nakikita ko yung mga kaltas na wala namang napupuntahan. Lecheeee.

    Teka, tini-3d ang mga chick flicks? YUCK!😆

    Ang natikman ko lang yung chili dark chocolate. Ang saraaaaaap😀

    • katrinadanieles says:

      yup, yung tax na yan! nakakainis! minsan iniisip ko na lang maging single mom ng mabawasan ang binabayaran ko. wahahaha

      ahahahahah.😄 walang 3d na chick flick or wala pa akong nakikita.😄 mema lang yan, memagawang kwento. hahah.

  3. Noel Sales Barcelona says:

    Ang biyahe ng buhay, parang tren lang o kaya MRT — may mga istasyon. Mararanasan mo ang ginhawa kapag maluwag, mararanasan mo ang pawisan kahit ang singit kapag masikip. May mambabastos sa iyo. May magbibigay ng upuan. May hindi mamamansin. May makikitang kakilala na bababa rin sa istasyong bababaan niya. at may sasakay ulit at ikaw, bababa rin para makapunta naman sa pupuntahan mo.

    Mapait at mapakla ang buhay. May tamis din. May anghang. Lahat ng iyan mararanasan mo. Boring naman o nakauumay kung pareparehong flavor lang ‘di ba?

    Kaya ako, naghihintay rin ng pagsulong ng buhay ko na alam ko, malapit na… Kumusta Kat?

    • katrinadanieles says:

      kuya, nahiya naman yung post ko sa comment mo. >.<

      maraming salamat sa pagbasa at sa napaka-meaningful na comment.🙂

      hmmm, sa palagay ko, yung buhay, pwede mong ihalintulad sa maraming-maraming bagay, depende sa kung ano perception mo sa buhay, depende sa kung ano pagkakakita mo dito, at depende sa kung ano ang pakiramdam mo dito.🙂

      at tama ka, napaka-boring naman siguro ng buhay kung ganun lang.. pero may nabasa ako kuya.. na ang mga manunulat daw ang may pinaka-boring na buhay, na kaya nagsusulat sila ay para mabaling yung atensyon nila sa napaka-saya, exciting, at cool reality na nagagawa nila sa mga sulatin nila. :)) do you agree? kasi ako, i agree. hahahah

      • hmm.. not necessarily siguro. nasa tao kasi yan kung gusto niyang maging boring ang buhay niya o hindi. ang mas eksaktong tanong is masaya na ba ang taong yun sa pagiging “boring”? may mga manunulat din na nagkukwento ng mga masasayang (at hindi boring) alaala ng buhay niya. so i think it’s relative.

        nakisawsaw lang po. haha!

  4. Aja Kat! darating ka naman sa point na aanalisahin mo kung ano na ba ang nagawa mo sa career mo at ano pa ba ang puwede mong gawin. bawat stage iba ang challenge. hindi mo naman mapipigilan ang pagbabago at pagtanda di ba. so go lang talaga. may mga masakit na part pero marami rin naman masaya.

    i wanna read your blog or sentiment once na mag-turn ka ng 25. ahihihi!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s