Masokismo

Ayaw nating’ nasasaktan ta’yo. Kasi tuwing nasasaktan tayo, naaalala nating tao lang tayo na walang kontrol sa ating paligid at minsan sa ating pakiramdam. Tuwing nasasaktan tayo, naaalala nating mahina tayong nilalang at hindi kaya ang lahat. At siguro, dahil na rin sa tuwing nasasaktan tayo ay masakit. Duh. hahah

Ngunit essential na pakiramdam ang sakit.. Isipin mo na lang kung di tayo nakakaramdam ng sakit.

Baka matagal na nating pinaliguan ang sarili natin ng kumukulong mantika, kasi nga tuwing napapaso ka wala ka namang nararamdaman. Pwede ring matagal na nating nginunguya ang mga dila natin kasi di natin maramdaman kung nakakagat na natin to. Pwede ring may nakasaksak nang kutsilyo sa likod  mo at paubos na ang dugo mo ay di mo pa alam. At higit sa lahat, hindi mo malalaman kung kailan ka na inaabuso ng ibang tao kasi di mo maramdaman kung sinasaktan ka nila.

Bale ang importansya ng pakiramdam na sakit ay pagkakaroon ng hudyat na pigilan ang sarili natin na gumawa ng hindi makakabuti para sa’tin.

Paano yan? Ayaw nating makaramdam ng sakit na importante pala para sa atin. Normal lang yun. Dahil kapag nagustuhan mo ang sakit, masokismo na ang tawag dun.  Ang mga  masokista ay mga taong gustong sinasaktan sila ng iba o sinasaktan ang sarili nila.

Ngayon, tanungin mo ang sarili mo; gusto mo bang nasasaktan ka?

Kung ang sagot mo ay hindi. Pwes,wag mong hayaan ang ibang taong magdikta kung ano ang magpapasaya sa’yo. Huwag mong hayaang masiraan ka ng loob dahil sa  pinagsasabi ng iba tulad ng pangit ka, loser ka, at kung anu-ano pa.

Maganda ka,kahit sabihin pa nilang mula ulo mukha kang paa. May silbi ka. May mga sarili kang natatanging katangian at talento na wala sa iba.  Kayang-kaya mong maabot ang mga pangarap mo. May karapatan kang maging masaya. At yung mga nagsasabi ng kabaliktaran na hindi man lang nagpapaliwanag kung bakit at ano ang pwede mong gawin para mabago ito ay sinasaktan ka na.

Ang gusto ko lang naman sabihin ay ganito,masasaktan at masasaktan tayo. Sa totoo lang eh,  importanteng nasasaktan din tayo; para matuto tayo  sa ating pagkakamali; para malaman natin kung hanggang saan kaya natin; para mas makilala natin sarili natin.  Pero ibang usapan na yung hinahayaan mo lang ang ibang saktan ka ng paulit-ulit.  Masokismo na yun. At ang masokismo, gusto ko lang ng may mga sayad.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s