Eksaktong 10:54

Ang torpe ko lang. Grabe.  Kanina pa siyang katabi ko,exactly 47 minutes na ang lumipas, swing lang din ng swing tulad ng ginagawa ko pero ni hindi man lang ako  nagkalakas ng loob na tanungin pangalan niya o gumawa ng paraan para makilala siya.

Nang makita ko siya kanina, kumbinsido ako sa sarili ko na ang cute-cute niya. Chinita. Hanggang bewang ang wavy na buhok. Medyo manipis ang labi. Pwede kong ma-consider na payat siya pero dahil na rin sa 5’2 niyang height parang tamang-tama lang.Naka-eyeglass. Naka-skinny jeans,white sneakers, at shirt na may statement “It’s a sunshine- cake-day today!”

At oo, hanggang tingin lang ako sa kanya. Pero hindi lang kasi yung itsura niya ang parang umuudyok sa’kin na makilala siya. Meron kasi siyang aura na parang misteryo sakin kung ano, na  parang, na-curious ako sa iniisip niya. Parang ang lalim-lalim. Bakit siya nandito sa park? Na nag-iisa sa ganitong oras.  Gustong-gusto kong malaman ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Gusto kong malaman kung may problema ba siya, o iniisip ba niya na end of the world na this year,  o kung ano nga ba ang sikreto sa buhay, ano ang cure sa AIDS. Ganun  kaya?

O baka naman mga weird stuff lang o pang-adik o pang- lasenggerong tumatambay sa kanto, tulad ng ano nga ba nauna ang manok o itlog o ang balut, tsaka umiihi  ba ang mga langgam, at nalulungkot din ba yung  mga pating, kung mag-invade ang mga aliens sa mundo, exempted kaya ang Pilipinas. Ano daw?

Hay naku.Malalaman ko lang ang sagot kung makapagsimula ako ng usapan. Pero ayokong isipin niya na weird ako. At baka kung ano isipin niya tungkol sa’kin. Ayokong dahil sa kung anong masabi ko ngayon, biglang block-listed na ako  sa mga taong kakausapin niya sakali mang magkita kami uli.

Alex, go na. Kausapinmo na siya! At kinakausap ko naman sarili ko, pini-pressure pa. Ano kayang magandang sabihin para makapag-start man lang ng conversation?  Uhmmm, siguro magtatanong ako ng oras? Uhmmm,excuse me miss,anong oras na? Para kunwari kailangan ko lang talaga magtanong? Bad pick-up line. Masyadong obvious. Masyadong gasgas.Pero wala na akong choice. Alangan namang sabihin kong; Hello ako nga pala si Alex, taga-diyan lang,ikaw saan ka nakatira? Creepy.

Alex, go na! Hindi forever, nandyan lang siya! Hindi siya naka-glue diyan para hintayin kung kakausapin mo siya or ano.

Simple lang yan Alex, tanungin mo siya ng oras, sasagutin ka niya, at baka gagaan ang loob niya sa’yo, at pwede kang sumegway sa speaking of oras, ano pala ginagawa mo dito sa park  sa ganitong oras ng gabi na pa-cool effect lang at parang walang ini-expect, pero kung suswertehen ka pwede siyang sumagot kahit na  sabihin niyang, “nag-unwind lang”, at baka madugtungan pa ang kwentuhan at  masabi niya pangalan niya. Tanungin mo lang siya ng oras Alex. Hindi naman niya siguro nahalatang may relo ka dahil naka-jacket ka naman.

Sige na, Alex. Excuse me miss, anong oras na? Tanungin mo na. Kung hindi ngayon, kailan.

Ok.Ngayon na Alex-aaaat tumayo na siya,paalis na.

Gago ka Alex. May piso ka ba diyan? Mag-wish ka na lang dun sa wishing well na magkita kayo uli para matanong mo siya ng oras. Ba-bye Miss na mananantiling misteryo sa utak ko kung ano ang pangalan at kung anong ginagawa ngayong oras ng gabi dito sa parke, at kung ano ang iniisip niya. Ba-bye possibilities. Hello sa tagpong ito na yumuyuko lang ako at iniisip na sinayang ko chance ko. Hello sa tagpong ito na tinitignan ko lang relo ko. Kakapatak lang sa 10:54. Ang oras na nagba-bye ako sa’yo “miss sunshine cake”.

“Excuse me, anong oras na?”  tanong ng babaeng pagtingala ko ay parehong babae na gusto kong pagtanungan ng oras kanina.

“Eksaktong 10:54” sagot ko naman na may ngiting hanggang tenga.

5 thoughts on “Eksaktong 10:54

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s