Usok


Ramdam na ramdam ko ang hagod ng usok mula sa labi ko, lalamunan at sa baga ko pero hindi natapos ang paglalakbay ng usok na yun. Mula sa baga ko, dumaloy papuntang lalamunan, at palabas ng labi ko. Hindi na masyadong malinaw ang usok na binubuga ko. Pero malinaw ang una kong tikim ng usok na ito. Limang taon na ang nakakaraan.

Usok.

Ulap.

Himpapawid.

Sigurado kang effective to para magpuyat?”

Tess, oo naman! Sobra! ”

Alam mo, ayoko neto Diane. Makakasama ‘to sa’tin, at dapat alam mo yun”.

Depende naman sa paggamit yan eh. Kung kaya mong dalhin ang sarili mo, hindi naman talaga grabe ang epekto. Bigyan kita ng tip, una, wag kang magpapagutom,unless na lang kung gusto mong mag-diyeta. Pangalawa magpahinga ka matapos mong magpuyat. Pangatlo, wag magpapahuli sa pulis. Hahah”

Gaga. Sigurado ka?”

Oo naman, kita mo ako? Dalawang taon ng humihithit ng bato, obvious ba? Hindi naman ah.OA lang yung iba kung makapagreact ,tsaka ok naman grades ko di’ba? Efficient pa nga kasi kaya magpuyat para magdamagang duty. Try mo, libre ko ngayon.”

Ok, isa lang, pagkatapos,kakalimutan kong minsan mo akong inalok ng droga, gaga ka”

Masyadong mainit, pero hindi mainit dahil sa sikat ng araw, dahil wala namang sikat ng araw na pumapasok sa kwartong kinaroroonan ko. Isang bombilya lang ang nagsisilbing liwanag, dilaw na liwanang. Pinahid ko ng likod ng palad ko ang namumuong butil ng pawis sa noo ko. Mainit dahil sa hangin, malagkit na hangin, mabigat na hangin. Dahil na rin siguro sa usok na binubuga ko, sa init ng bombilya, at marahil dahil sa nagsisiksikan kami dito ng kahati ko sa usok na ‘to. Walang hiyang Benjie, parang ayaw magtira ah.

Meron ba kayo ngayon aling Melba?”

Di mo ba nabalitaan Tess? Ni-raid kahapon ang isang laboratoryo, kaya medyo mahina ngayon, medyo mas mahal. Magkano ba sana kukunin mo ?”

One fourth ho.”

Por handred Tess.”

Ay nakow, 250 lang yan di’ba? Ba’t ang mahal?” Three hundred lang dala ko eh,pamasahe ko pa ang singkwenta.”

Ay, pasensya na Tess, kilala mo naman ako, Hindi ako nagdadamot pero gipit din ako ngayon eh. Kung gusto mo, hati kayo niyang si Benjie. Medyo magkilala naman kayo diba? Naghihintay lang din yan ng pwedeng humati sa kanya eh. Tu handred lang kasi ang dala.”

Huling higop na lang para sa’kin. Pumikit ako. Gustong namnamin sa bibig ko ang panghuli kong pagsinghot sa usok na to. Minsan ko ng tinalikuran ‘to…pero nung huling taon lang, binalikan ko ang sinimulan ko nung kolehiyo.

Usok.

Ulap.

Himpapawid.

Hon, gusto ko sanang magtrabaho. Alam mo na, kumita ng extra para sa’tin.”

Tess, Honey, hindi na ba sapat ang kinikita ko?”

Di naman sa ganun Hon, medyo nakakainip lang kasi dito sa bahay. Parang paulit-ulit na lang kasi ang mga ginagawa ko dito. Sayang naman, nag-graduate pa ako ng nursing, di ko naman magagamit. Para rin makatulong sa gastusin, para rin naman sa”

Hon, ako ang lalaki, ako na ang dapat namomroblema sa mga gastusin. Meron din naman tayong sapat ah? Kung gusto mo, bibilhan na lang kita ng bagong washing machine tsaka vacuum cleaner para di ka masyadong mahirapan dito sa bahay. At para di ka mainip,bibigyan kita ng budget, pang-shopping, bumili ka ng sapatos, bag at kung anu-ano pang gusto mo, para di ka mainip.”

Hon, hindi naman para pang-shopping ang traba-“

Sssshhh. Tess, please.”

Hon, pakinggan mo naman kasi ako.”

Tess,please. Matulog na tayo.Mag-aalas dos na ng umaga. May trabaho pa ako bukas.”

Minulat ko ang mata ko, matapos ang ilang sandali, lumabas na ako ng kwarto. Sumunod si Benjie. Pagkatapos namaalam na siya kay Aling Melba. Baka raw hinahanap na siya ng magulang niya, di daw nakapagpaalam ng maayos. Oo, tumitira pa rin sa magulang ang gago. Medyo nandyan pa ang epekto kaya namahinga muna ako ng konti.

Tess, may electric fan diyan, paikutin mo lang para abutin ka ng hangin”, alok ni Aling Melba sa’kin. Nasa loob lang siya sa isang kwarto pa nila na bukas ang pintuan kaya kitang-kita siya mula sa sala. Medyo may may pagkamalusog si Aling Melba, mga 5 feet ang tangkad at may pagkamestisa ang ang kulay.

Salamat aling Melba”, inabot ko ang electric fan tsaka pinindot ang sa likod nito, para umikot. Medyo masarap ang pakiramdam ng malamig na hangin kaya sinabayan ko na lang ng pagluluwag ng kwelyo ko.

Hindi ko namalayang nanunuod pala ng TV ang bunsong anak ni Aling Melba, si Badeth, bunso sa anim. Nakapig-tails ang bata, medyo may pagka-chubby, mestisa, may dimples ang dalawang pisngi at bungi ang dalawang ipin sa harap. Pero sa susunod, makukuha na ang korona niya bilang bunso. Buntis si Aling Melba ng limang buwan at sabi pa nga niya, magiging ninang daw ako na kinatuwa ko naman.

Badeth, laro tayo”, saad ng kararating lang, ang panglima sa anak ni Aling Melba, si Joseph. Grade two na raw sa susunod na pasukan. Medyo payat si Joseph, at sumunod sa kulay ng tatay nilang moreno.

` “Ay, ikaw pala Maam Tess” Pahiya niyang bati sa’kin ng makita niya ako.

Oo naman Joseph. Sino pa ba?” nginitian ko siya. Medyo matagal na ako dito gumagamit sa bahay nila ni Aling Melba kaya kilala na ako ng mga anak nila.Kabuhayan na nilang mag-asawa ‘to matapos sibakin si Mang Berting bilang official driver ng lungsod. Hindi kasi nanalo sa eleksyon ang alkaldeng sinuportahan ni Mang Berting, dalawang eleksyon na ang lumipas.

Kuya, ayokong maglaro, manonood na muna ako ng TV. Paborito ko tong palabas eh”.

Isang noontime show ang palabas. Nasa portion na ata na “Pera o Bayong”. Nakapili na ang contestant ng bayong niya at inaalok na ng isang daang libong piso. Bayong kaya pipiliin niya? O pera?

Bayong! Bayong!” sigaw ni Badeth.

Pera na! Pera!” saad naman ni Joseph.

At mukhang narinig ng contestant si Joseph dahil nagpera na ito. Bubuksan na ang laman ng bayong at inunti-unti ang pagpapakita ng digits. May zero, isa pa, tatlong zero, pang-apat,lima, anim at… isang 1, isang milyon pala ang laman. Nagcommercial agad pagkatapos maghinayang at magpasalamat ng contestant.

Sabi ko na eh! Bayong eh! Ang tigas ng ulo niya. Di nakinig saken,” saad ni Badeth.

Asus! Tsamba!O sige, ibang laro na lang Badeth. Hulaanna lang tayo ng mga commercials. Pagkatapos, ang hindi maka-hula, pipitikin,” alok naman ni Joseph.

Oo buh, mas magaling ata ako sa’yo. Game”, sambit ni Badeth na nakangiti pa kaya kitang-kita ang bungi niyang ipin.

Sali ako diyan”, singit ko naman na nakangiti pa.

Kung sana meron akong anak, hindi na sana ako nanabik na makipaglaro ng ganito. Baka matagal ko na ring iniwan ang bisyong ito. Minsan natatakot rin ako. Paano kung lumabas na abnormal ang anak ko dahil sa hinihithit kong droga? May nakita din naman akong pumupunta dito, kasama ang mga anak nila, normal naman sila, nakkikipaglaro pa nga sa mga anak ni Aling Melba. Pangako ko, kung magkakaanak na kami ni Marion,titigilan ko na ‘to.

Creamsilk shampoo”, sigaw ni Badeth kaya naman medyo nagising ako mula sa kung anong iniisip ko.

Mali. Creamsilk conditioner yan!” sagot naman ni Joseph.

Anong kaibahan? Pareho lang naman yang nilalagay sa buhok kuya. Wag kang madaya, nauna ako”.

Medyo natawa ako sa pinag-awayan nila kaya naman pumagitna na ako.

Yung shampoo,Badeth, pampalinis ng buhok, yan para naman extra ganda ang buhok”, saad ko pero para lang malaman ni Badeth na may kaibahan ang dalawa, kahit hindi ko talaga alam kung paano ipapaliwanag ng maayos.

O sige, dahil lang yan sabi yan ni Ma’am Tess ha?”

Ma’am tawag nila sakin, ewan ko kung bakit, baka ka-edad ko ang mga nagtuturo sa school nila. Mabuti pa yung kaedad kong teacher nila, may trabaho. Ako, wala umaasa sa asawang engineer, na anim na taon na mas nakakatanda. Sa asawang, mahal na mahal ako. Kahit minsan, iniisip ko kung ano kaya kung hindi ako nagmadaling iwan ang pamilya kong pinipilit akong magnursing at sagipin ang pamilya mula sa kahirapan? Baka may trabaho na ako sa ibang bansa, baka may sariling bahay at kotse na ako. Baka may mahigit limang libong piso na akong sweldo kada buwan at pinapadalhan ko na ang pamilya ko bilang kabayaran sa kung ano mang sakripisyo nila . At pagkatapos ng ilang taon, naglilibot na ako sa buong mundo. Sa himpapawid.

Mahal ko din naman yung asawa ko, kaya nangako ako sa sarili kong titigalan na ang bisyo ko nung nagpakasal kami, dalawang taon na ang nakakaraan,pero may mga bagay lang talagang mahirap talikuran.

Alam mo kuya, bibili din ako ng maraming konisyener, para gumanda buhok ko, at mapapansin na ako ng crush ko.”

` “May crush ka na pala Badeth?Ang bata mo para diyan ah?” tukso ko kay Badeth.

Oo naman. Sino ba naman ang walang crush? Sabi ng classmate ko, abnormal lang daw ang walang crush. At para mapansin ako ng crush ko, kailangan maganda ako, maganda buhok ko, maputi ako, matangkad tsaka sexy.”

Hindi naman siguro Badeth-

Medicol!” sigaw ni Joseph kaya medyo nawala ako sa kung ano sana ang sasabihin ko kay Badeth. Halatang nagco-concentrate ang bata sa laro nila kaya hindi na nakikinig sa kapatid.

Di yun counted kuya, nag-uusap kami ni Ma’am tess eh. ”

Sa kabila ng protesta ng kapatid niya, pinitik pa rin ni Joseph ang daliri ni Badeth. Gaganti sana si Badeth pero biglang three o’clock prayer na ang lumabas sa telebisyon. Bigla namang pumikit ang dalawang bata, at pinormang ang dalawang kamay na parang nananalangin. Medyo sumilip pa ng tingin si Badeth sa kuya niya. Naalala ko tuloy kung paano kong nakilala si Benjie.

Bago ka rito?”

Kina Aling Melba? Hindi. Nawala lang ng isang taon, “balikbayan” kumbaga. Ikaw? Ngayon lang kita nakita ha.”

Medyo ilang buwan pa lang ako dito eh. Kakalabas lang ng kumbento..”

Kumbento? Pari ka?!”

Hindi. Hindi pa.. at hindi na magiging pari. Nag-quit ako, hindi lang naman ako ang nag-quit sa’min, hindi ako ang una, at posibleng hindi rin ang huli.”

Bakit naman? “

Gusto ko rin naman siguro. O baka gusto ng mga magulang ko,pero parang okey lang din naman sana, kaya lang, kaya lang..baka hindi talaga pagpapapari gusto ko eh.”

Kaya imbes na pagdadasal ang pinag-aralan mo eh iba ang dinadasalan mo. Hahah”

Hahah. Hindi naman ako nananakit ng iba eh,hindi ako nang-rape, hindi ako nakapatay, kaya kong kontrolin sarili ko..ito lang talaga. Alam mo yun.”

Ganun? Tess nga pala. Sayang, kung magpapari ka sana, eh di, libre na ang pabinyag sakaling biyayaan ako ng baby”

Misis ka na pala? Ako nga pala si Benjie.”

Di ko namalayang natapos na ang three o’clock prayer.. at medyo ilang commercial na pala ang hinulaan ng dalawa. Tinitigan ko ang relos nila, mga 3:30 na. Oo nga pala, parang late pala yung mga three o’clock prayers.

May lumabas na balita sa telebisyon. Breaking news. Binitay na raw ang tatlong pinoy na nakitaan ng pakete ng droga sa China. Hindi na napakiusapan ng pamahalaan ng Pilipinas. Mas mahigpit daw ang pamahalaang Tsina eh. Tinignan ko si aling Melba, na abala sa pagpakete ng ilang gramo. Tumakbo naman ang dalawang bata papunta sa kanya.

Mama, ano ba ibig sabihin ng binitay?” narinig kong tanong ni Badeth.

Ay, ibig sabihin, pinarusahan anak. Bilang kabayaran sa masamang ginawa.”

Mama, masama po pala ang ginagawa niyo ni papa? Bibitayin ka rin ba?” tanong naman ni Joseph, na parang naiintindihan na ata kung ano talaga ang hanapbuhay ng mga magulang niya.

Ay, ano ba naman yan Joseph? Wag kang magsalita ng ganyan,” medyo tumaas ang tono at boses ni aling Melba.

` “Aling Melba, nag-aalala lang siguro yang si Joseph” singit ko sa usapan nila.

Hindi dapat sila mag-alala kasi kaya naming lusutan yan. Kasi alam namin ni Berting kung paano mag-ingat. Nakwento ko na ba sayo Tess kung paanong nakalusot yung asawa kong si Berting?” tinigilan ni Aling Melba ang ginagawa niya, lumapit at tumabi sa’kin.

Ay,opo. Yung nilunok niya ang isang pakete. hahah ” medyo napatawa ako ng konti kaya tinakpan ko ang bibig ko.

Ay naku, alam mo ba, kinabahan ang gagong yun. Sabi ko naman sa kanya, wag magpapahalata, para hindi sitahin. Pero ayun, mabuti na lang at naisipang lunukin, pero sayang din yun ha. Payb handred pa yun. Sayang, tinae lang ng gago .”

Hindi mo naman,masisisi si Mang Berting aling Melba, kung kayo yun? Ano kaya ginawa niyo?”

Ay kung ako yun, nilagay ko sa panty ko. Kasi may mga panty namang may bulsa eh. Alangan namang kapkapin ng NarCom ang ano ko,” lumingon mo na siya sa mga anak niya, “Sa alam mo na yun. Aba’y NarComanyak na yun. Hahah.”

May point ka diyan aling Melba.hahah”

Teka, di’ba binigyan kita nun Tess? Regalo ko sayo nung Birthday mo. “

Nasa akin pa po. Ginawa kong collection. Hahah. Siyanga pala aling Melba, pwede ba akong umutang? One fourth lang, take-out na lang muna kasi kailangan ko pang maghanda ng hapunan.”

Hmmm, sus, kung di ka lang malakas sa’kin eh,pero bayaran mo Tess ha? Por handred pa naman yan ngayon. ”

Oo Aling Melba.Promise”

Tsaka mag-ingat ka. Medyo mainit ngayon ang mga parak. Alam mo naman ang mga porma nung mga nun, medyo malalaki, basta kung kutubin ka, alam mo na ang gagawin mo.”

Yes Aling Melba”. Panigurado ko naman sa kanya. Pumasok siya sa kwarto, kumuha ng isang pakete at binigay sakin. Nilagay ko sa lalagyan ng sigarilyo ko. Niyakap ko siya bilang pasasalamat, nagpaalam sa kanya at sa mga bata.

Bye Ma’am tess”, sabay na pagpaalam ng dalawang bata.

` Bumili muna ako ng kendi sa isang tindahang nadaanan ko.

Maxx nga po”, sabi ko.

Tatlo, dalawang piso”

Isang Malboro po”,medyo mababa at bilog ang boses. Mula lang sa likuran ko.

Kinabahan ako. Pero di ako nagpahalata. Tinignan ko ang pinagmumulan ng boses, isang lalaking maskuladong naka-shades at naka-sombrero. Medyo mestiso at halatang di taga-rito. Binigay na sa akin ang kendi kaya dali-dali naman akong umalis na.

Medyo masikip ang eskinitang pinasukan ko. Ito lang daw ang daan papuntang labasan eh. Nawawala pa ako nun, dahil andami-daming daan, parang maze lang ng isang daga. Medyo madilim dahil sa nagtataasan at halos magkakadikit na bahay. Ang tanging ilaw ay ang liwanag mula sa itaas, sa araw, sa araw ng alas kwatro ng hapon. Tumingala ako, para makita ang pinagmulan ng ilaw, ang sinag ng araw na lumulusot sa pagitan ng mga bahay. Lumingon ako. Nakita ko ang lalaking nasa tindahan kanina.

Kinabahan uli ako. Sinusundan niya ba ako? Baka naman hindi, pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Pero ngayon, medyo mabilis na ang paglalakad ko. Lumingon uli ako, at napansin kong binilisan din niya ang paglalakad niya.

Kung sakaling pulis siya, siguradong titignan niya ang bag ko, at baka makita at kunin ang lalagyan ng sigarilyo ko at hindi ko na alam kung ano ang magiging kapalaran ko. Kaya naman binuksan ko bag ko, kinuha ang lalagyan ng sigarilyo, binuksan, kinuha ang pakete. Binalik ang lalagyan ng sigarilyo sa bag.

Medyo bumibilis na rin ang paglalakad niya. Mga labinglimang talampakan na lang ang layo niya. Tatakbo ba ako? Baka magsuspetsa agad, at tumakbo na rin siya, at maabutan agad ako. May namumuo ng pawis sa noo ko, at bumibilis na ang pintig ng puso ko.

Sampung talampakan. Nasa kamay ko pa ang pakete.

Siyam.

May isang likuan sa eskinta. Naisipan kong lumiko, meron akong tsansang maitapon ang pakete, nang hindi niya makikita ang akto,pero makikita niya ang pakete.

Kahit di ko na siya nakikita dahil sa paglikong ginawa ko, alam kong malapit na talaga siya. Mga walong talampakan na lang.

Pito.

Anim.

Anong gagawin ko? Lulunukin ko na lang ba? O itatago sa panty ko…

Lima.

Andyan na naman siya.

Apat na talampakan.

Tatlo.

Miss, pwede bang tumigil ka muna”, parang pasigaw na sabi niya.

Lintik.

3 thoughts on “Usok

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s