Ang Alamat ng Rebultong Lumuluha ng Perlas,Diyamante’t,Ginto

Merong isang kwento

Tungkol sa isang rebulto

Rebultong nasa gitna ng diyerto

Lumuluha ng perlas, diyamante’t ginto.

Pero wala pang may nakakita

Kung totoo ang istorya

Wala pang may nakasaksi

Sa kanyang luha,iyak, hikbi.

Marami nang nagbakasakali

Paluhain ang istatwang hari

Wala ni isang nagtagumpay

Kwento’y walang nakapagpatunay.

Minsan may mga mandirigma

Nagbakasakaling hari’y mapaluha

Kung kaya’t hari’y sinuntok sinipa

Ngunit wala kahit isang luha.

Minsan may mga mangangalakal

Napadaan, napadalaw

Mga istilong ginagamit sa pagbebenta

Sa hari di na umubra.

Mga  mangkukulam na may alam sa mahika

Nagbitiw ng mga  sumpa’t salita

Mga salita pala’y walang epekto

Sa haring  nasa disyerto.

May mga mananayaw na nagawi

Nagsayawan, kantahan sa harap ng hari

Baka raw  ang hari’y lumuha sa tuwa

Ngunit hari’y di natuwa, di lumuha.

Totoo kaya ang kwento tungkol sa rebulto

Na lumuluha ng  perlas,diyamante’t, ginto

Tanong ng batang napadpad sa disyerto

At nagbabakasaling totoo ang kwento.

Kilala kita.. Haring nalimot ng alaala

Ikaw ang haring sa’min dati’y nagpalaya

Kung kaya’t niyakap ng batang mumunti

Haring lumuluha,umiiyak,humihikbi.

One thought on “Ang Alamat ng Rebultong Lumuluha ng Perlas,Diyamante’t,Ginto

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s