Teddy

Di na naman ako makatulog.  Kung anu-anong posisyon na ang sinubukan ko. Nagbilang na ako ng ilang tupa, pati lobo, binilang ko na. Siguro dahil ‘to sa dalawang tasang kapeng ininom ko. Anong siguro? Dahil sa dalawang tasang kapeng ininom ko.

Bumangon ako. Kinuha ang varsity jacket sa cabinet ko. Sinuot ito. Hinanapa ang pakete ng sigarilyo at lighter sa desk ko. Nilagay sa isa sa mga bulsa ng jacket ko at lumabas ng condo ko. Maglalakad-lakad. Magpapahangin. Mag-iisip?

Nakatingin sa lupa habang naglalakad. Nagpakalayo-layo sa building namin, pero tanaw ko pa rin naman yung gusali. Ayos. May upuan. Sinindihan ang sigarilyo. Hithit. Naubos ang isa. Kumuha uli ng isa. At sa pagitan ng paghithit at buga, may narinig akong ubo.

“Teka, kanina ka pa diyan??” tanong ko sa batang babaeng nasa upuan din.

Merong espasyo sa pagitan namin.

“Ano yan?” sagot naman niya sabay turo sa sigarilyong hawak ko.

Hindi sumasagot ng tama sa tanong ko. Ngumiti siya. Cute na bata.

Agad kong pinatay ang sindi ng sigarilyo ko at tinapon sa basurahang katabi lang ng upuan.

Nakita ko na ang batang ‘to. Hindi ko lang matandaan.  Chubby,yung kapag ngumiti, kitang-kita ang cheeks, may maikling buhok na hindi pa nga abot sa balikat. May straight na bangs. Naka-pink pajama siya. Terno. At may dala-dalang Teddy bear.  May kung ano sa batang ito na nagparamdam sa’kin na mapagkaktiwalaan ko siya. Na magkakilala na kami sa mahabang panahon. Hindi ko lang tlaga matandaan.

“Anong ginagawa mo dito?  Sa ganitong oras? Hindi ka ba hinahanap ng mga magulang mo” tanong ko uli.

“Ang daming stars ngayong gabi noh?” saad niya.

Napatingin ako sa langit. Marami nga.

“Ayun, bahay-kubo, ayun naman, rosary, yung isa, para namang piattos” saad niya uli.

Napangiti ako sa kakulitan niya. Nung bata ako, ganyan din ako.  Kung anu-anong hugis ang nakikita sa bituin. Minsan naman, kung umaga, iba’t-ibang hugis ang nakikita ko na pinoporma ng mga ulap.

“At ayun, tignan mo, isang elepante” saad ko sa kanya, habang ginuguhit ang hugis elepante.

Parang kuminang ang mata niya bigla at napangiti. At pumalakpak. Napangiti din ako dahil sa expression niya.

Tapos napatingin siya sa’kin. Ngumiti uli.

“Kailan ka huling ngumiti ng ganyan?” tanong niya.

“Anu?” nabigla ako sa tanong niya.

Hindi ko alam ang sagot. Nakalimutan ko na kung kailan ako huling ngumiti.

“Anong isda ang palaging nababasa sa ulan?” tanong niya.

“Anu?” sabi ko.

“Anong isda ang palaging nababasa sa ulan?” ulit niya.

“Hindi ko alam.”

“Hito.”

“Bakit hito?”

Pinosisyon niya ang kamay niya na parang may hawak siyang mike.

“Hito ako oh oh.. basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitaaaan…

At hindi ko napigilan sarili ko. Tumawa ako. Tumawa ako hanggang sumakit pisngi ko. At ngumiti siya. At nagsalita na lang uli ako ng hindi na sumasakit ang pisngi ko.

“Teka, anong pangalan ng teddy bear na hawak mo?” tanong ko.

“Sobrang tumanda ka na ba athindi mo na matandaan?”

Hindi niya talaga sinsagot ang mga tanong ko. Mahirap kausapin na bata. Pero anong ibig niyang sabihin?

“O sige, kung ayaw mong sagutin yun, ano na lang pangalan mo?”

“Sobrang tumanda ka na ba talaga at hindi mo na maalala?” tanong niya uli na parang nalulungkot na, na prang iiyak na.”

At bigla kong naalala ang mukha. Ang pangalan ng teddy bear.  Ang pink na pajama. Ang joke na sinabi niya.

“Paano? Bakit?” tanong ko.

Nilapitan niya ako. Niyakap. Niyakap ng mahigpit. Niyayakap niya lang ako.  At hinayaan ko lang siya. At napaluha ako.

“Hindi ko alam kung paano.  Kung bakit? Siguro para ipaalala sa’yo na mahilig ka sa mga korni na jokes, na akala mo noon kaya kang bantayan ng isang cute na teddy bear, na napapasaya ka ng mga bituin, o ng mga ulap,na hindi naman talaga importante sa’yo ang kung anumang numero sa mundo, na hindi pa huli lahat para baguhin ang mundo”

Tinignan niya ako. Ngumiti.

“Sige, mauna na ako,at iiwan ko ‘tong si Teddy para bantayan ka sa pagtulog mo”

Lumakad siya ng papalayo. Sumigaw:

KAPAG MALUNGKOT KA HUWAG TUMINGIN SA LUPA, TUMINGIN KA SA LANGIT. BA-BYE!

It’s time to wake up! It’s now 6 AM! It’s time to wake up! It’s now 6 AM!

Agad kong hinanapa cellphone ko, para patayin ang alarm. Panaginip lang pala.

Nakita ko na cellphone ko. Pero hindi lang cellphone ko ang nakita ko.  Nakita ko, sa kama ko, ang teddy bear na pinangalanan ko noong Teddy.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s