Silid-Aklatan

Sa ilalim ng lilim  ng punong mangga, sa ilalim ng bughaw na langit at mga puting ulap na may hugis kuneho, elepante, butanding, at kung anu-ano pa, pareho tayong nakaupo.

Ako, nakatitig sa langit, ikaw, nakatitig sa isang maliit na libro, na may puting pabalat, at may larawan ng isang prinsipe…

“Sa palagay mo, may silid-aklatan sa langit?” tanong ko.

“Ha? Bakit mo natanong…” saad mo.

“Siguro ang gandang isipin na merong library sa langit, ng lahat ng magagandang aklat na sinulat dito sa lupa” paliwanag ko.

Tumingin ka na din sa langit.

“Tapos kung nasa langit  na tayo, meron tayong oras para basahin lahaaaaaaaaaaat ng librong yun” dugtong mo.

“Tapos, yung mga aklat na yun, kapag binuksan natin, merong may gumagalaw na pictures, sa parehong paraan kung paano naisip ng manunulat ang chapter na yun, at kapag natapos tayong magbasa, humihinto din ang paggalaw ng mga larawan” paglalarawan ko naman.

“Tapos, sa silid-aklatan, merong mga estante na may pangalan mo. Pero nung binuksan ko ang isang aklat, hindi pala iyo yun,  kanya ng ibang taong katokayo mo. Pero nandun, sa isa pang estante, mga librong tungkol sa’yo, tungkol sa buhay mo, tungkol sa naging adventures mo, tungkol sa lovestory mo” sabi mo na merong bakas ng pagka-sabik.

At dinugtungan ko naman uli.. “At makikita ko din yung estanteng  may pangalan mo! Na may lovestory  mo, at malalaman ko na ang mahal mo pala ay-”

“Ay ikaw” dugtong mo.

Sa ilalim ng lilim  ng punong mangga, sa ilalim ng bughaw na langit at mga puting ulap na may hugis kuneho, elepante, butanding, at kung anu-ano pa, pareho tayong nakaupo at nakangiti.

One thought on “Silid-Aklatan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s