Ang Alamat ng 90%

Nagkaroon ng pagpupulong ang mga bathala. Ito ay naganap sa kalangitan pero walang eksaktong oras at kung kailan, dahil ang mga Diyos at Diyosa ay hindi naman nasasakop at nakukulong sa konsepto ng oras.

“Nagpatawag ako ng pagpupulong dahil sa isang napaka-importanteng desisyon na kailangang gawin”, panimula ni Haring Kidlat.

“My kinalaman ba ang desisyon na ito sa mga mortal?” tanong naman ni Diyosang Amihan.

“Oo” sagot ni haring Kidlat.

Agad na nagtingina ang mga Diyos- at diyosa, maririnig din ang mga bulung-bulungan. Yung iba ni hindi na nag-abalang bumulong, medyo nag-diskusyon na. At nagsimulang umingay sa kalangitan.

“Tahimik!” sigaw ni haring Kidlat, at sumabay ag kidlat at sumunod ang kulog. Katahimikan.

“Gusto kong humingi ng suhestyon niyo kung saan natin pwedeng itago ang kristal ng walang hanggang kaalaman”

“Mahirap na tanong yan.  Siguro ag ibig mong sabihin, saan natin itatago na hindi kayang abutin ng ga tao?” tanong uli ni Amihan.

“Oo. Saan? Ang puso ng tao ay mapangahas, at mapanganib para sa kanila ang maangkin ang kritstal ng kaalaman” saad ni Kidlat.

“May punto ka diyan. Eh kung sa kalangitan na lang?” suhestyon ni Habagat.

“Kaya lang alam na ng tao kung paano abutin ang langit. Alam na nila kung paano lumipad gamit ang kung anu-anong mekanismo” saad naman ng Diyosa ng musikang si Sonata.

“Eh paano kaya kung sa pinakailalim ng karagatan?” suhestyon ni Saragnayan, ang hari ng araw at ng gabi.

“Hindi rin. Kaya na rin sumisid ng mg tao kahit sa pinakamalalim na karagatan” pagsalungat ni  Kataw, ang Diyosa ng karagatan.

“Paano kung sa pinakasulok at pinaka-ilalim ng lupa?” suhestyon ni HAring Linog, ang Diyos ng mga lupa at ang nagkokontrol ni mga lindol.

“Parang hindi din.. kaya na ng mga taong maghukay kahit sa pinakailalim ng lupa” saad ni Kidlat.

At nag-isip ng nag-isip ang mga Diyos at Diyosa. Saan nga ba talaga pwedeng itago ang kristal ng walang hanggang kaalaman?  Katahimikan na naman uli sa buong kalangitan. Binasag lang ni Higugma, ang diyosa ng pag-ibig, ang katahimikan…

“Eh paano kung itago natin ang kristal ng walang hanggang kaalaman sa… sa utak mismo ng mga tao?”

At sa mga oras na yun, na hindi naman talaga alam kung kailan,  nakapagdesisyon ang mga Diyos at Diyosa.

***

Ito ang alamat kung bakit 90 porsyento ng utak ng tao ay di na nagagamit ng mga mortal.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s