Valentine’s Day Notes

February 14,2007

Journal,

Sobrang nakakahiya ang nangyari kanina! Hindi ko akalain na gagawin nila ni Rodrick sa’kin yun! Bakit nila binasa sa buong klase ang sulat ko para kay Tina. Ano pang mukhang mahaharap ko kay Kristina ngayon?😦 Ngayong alam na niyang may gusto ako sa kanya.  Tahimik ang lahat ghabang binbasa ni Rodrick yun. At nang matapos, naghiyawan lahat! Si Tina, lumabas ng room. At ako? Nandun. Humihiling na lamunin ako ng lupa.

Ito na ang pinaka-worst na  Valentines.

Nagmamahal lang naman,

Daniel

***

February 14, 2008

Journal,

Ngayong taon, maraming pakulo ang iba’t ibang clubs namin. Yung English club, merong wedding booth, pero hindi naman talaga kinakasal ang mga estudyante dun, nagbibigay lang ng mga pangako.

Yung CAT club naman, binabayaran  para posasan ang dalawang tao. Malamang, ang nagbayad para magpa-posas ay yung may gusto sa isa.   Nakakatuwa lang kasi parang kinikilig ang iba, habang ang isa naman ay may mukhang katapusan na ng mundo.

At kaming nasa Filipino Club naman, ang pakulo ay ang magbenta ng mga personalized at cute na sticky note na pwedeng ipaskil ng mga estudyante  dun sa hallway ng Filipino building. Ideya ni Lily, ang presidente ng club.  Maraming nagpaskil dun na secret admirers daw. At ang masaklap,ang daming bumili ng sticky notes para magpahiwatig ng admiration nila kay Kristina. At isa na dun si Rodrick.

Sa palagay mo may pag-asa pa ako kay Tina? Ayayayay pag-ibig!

Ang umaasa,

Daniel

***

February 14,2009

Journal,

Kung kailan nagkalakas ng loob ako, doon pa mangyayari sa’kin ang ganito. Grabeng pag-iipon sa allowance ang ginawa ko para dito, nag-ayos ako ng buhok ko, nag-saulo ako ng mga linya, pero dinaga ako..

Nagtanong si Tina kung anong gusto kong sabihin. Gusto ko sana siyang yayain na maka-date sa prom dahil juniors na kami. Yun lang ang sasabihin ko, pero nautal ako,kinabahan. At biglang sumulpot si Rodrick, nakisawsaw sa usapan, nagtanong kay Tina… kung ok lang ba siyang maka-date sa prom.

Tinignan ako uli ni Tina at tinanong kung may sasabihin ba daw ako. Wala. Wala sabi ko. Magtatanong lang sana ako kung maganda ba tong bulaklak, magugustuhan kaya ni Lily. Nag-oo siya sa’kin, madanda daw ang bulaklak. At nag-oo kay Rodrick, papayag daw siyang makipag-date.

Ang sakit-sakit. Ang sakit sa bulsa, sa ego, at higit sa lahat, sa puso.

Ang sawi,

Daniel

*********************************************************************

February 14,2007

Dear Diary, 

Sobrang nakakahiya ang nangyari kanina! Pero kahit ganun, masaya ako. Gusto din pala ako ni Daniel! Sa totoo lang, sa sobrang saya ko, parang nahihirapan ako kung paano ko sasabihin lahat ngayon sa’yo dear diary. Nalaman ko dahil binasa nila ni Rodrick ang sulat ni Daniel para sa’kin. Pinabasa siguro ni Daniel, pero mas gusto ko sana kung siya ang nagbasa. Yun na yung pinakanakakakilig na sulat na narinig ko!  ^_____^ Sobrang namula ako kaya hindi ko alam kung anong gagawin at lumabas na lang ng classroom.  Para akong lumulutang sa tuwa ngayon. hahah

Nagmamahal,

 Kristina 

February 14,2008

Dear Diary, 

Ewan ko kung bakit pa ako umasa. Isa si Daniel sa mga officers ng Filipino Club kaya parang nag-eexpect ako na meron siyang kahit na  “Happy Valentine’s Day ” Note lang para sa’kin. Pero wala eh.  Wala kong may nakitang note galing sa kanya.  Sa palagay ko, di niya na ako gusto… Baka si Lily ang gusto niya? Parang nag-eenjoy sila kaninag nag-uusap habang nagbabantay ng booth eh. Umaasa akong mali ako Diary. 

Ang umaasa, 

Kristina

February 14, 2009

Dear Diary,

Kanina, lumapit sa’kin si Daniel namay dala-dalang bulaklak. Sobrang hindi ko maintindihan kung gaano ako kasaya. Nasa isip kong yayain niya ako  para sa prom dahil nga third year na kami. Grabe.. parang hindi ako makahinga dahil sa kaba. Hindi ako makahinga dahil magkakatotoo na ang hiling ko.  Na sana yayayain niya ako sa prom. 

Pero dumating si Rodrick at nagtanong kung pwede ko ba daw siyang maka-date sa prom. Tinanong ko uli si Daniel tungkol sa itatanong niya sana. Umaasa akong tatanungin niya kung pwede ko siyang maka-date para mahindian ko si Rodrick nang maayos, at alibi ko na mas nauna si Daniel. 

Pero mali pala ako Dear diary. Tatanungin lang pala ako ni Daniel kung magugustuhan kaya ni Lily ang mga bulaklak. Gusto kong umiyak dun mismo. Totoo pala hinala ko ng gusto niya si Lily. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa halip, nag-oo na lang ako kay Rodrick, kawawa naman kung hindi-an ko sa harap ni Daniel. 

At ngayon na lang ako umiyak, habang sinusulat ko ‘tong lahat ng ‘to. :( 

Ang sawi,

Kristina

 

One thought on “Valentine’s Day Notes

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s