Snapshot

May nabasa akong libro  na parang nagsabi na meron daw tayong nabubuong snaphots ng mga taong naging bahagi ng buhay natin. Yung “snapshot” daw ay isang moment o tagpo na naging larawan sa isipan natin,at yun ang naalala natin tuwing iniisip natin ang ibang tao . Naalala natin ang tagpo kasi sa tagpong yun,di natin  malimutan kung ano nararamdaman natin o kaya naman, doon natin na-realize na importante pala sa atin ang taong yun.

Sabi pa ng bida sa librong binabasa ko, ang snaphot niya daw ng taong mahal niya ay yung gabing lumakad na ng palayo ang mahal niya…  biglang lumingon ang mahal niya..kaya nakita niya ang kagandahan nito, mga mata nitong parang nangungusap, ang hanggang bewang niyang buhok na para bang hinahaplos ng hangin.  Tinitigan siya ng mabuti ng mahal niya, ngumiti, at kumaway. At ang tagpong yun ang snapshot niya.

Disyembre. Pagkatapos ng isang parada ng mga ilaw at higanteng floats sa syudad. Hindi ko alam kung bakit hinahanap kita, siguro dahil alam kong konti lang ang mga taong kaya akong samahan at kayang tiisin ang ugali ko, at isa ka dun. Isa ka din sa mga taong, sa hindi ko malaman na dahilan, eh sinasamahan ako para lang maghanap ng ferris wheel pagkatapos ng madugong math exam. At  ikaw lang din ang hindi nagsabi sa’kin na gawa-gawa ko lang ang jetman dahil inaabangan mo rin yun noong nasa elementarya ka pa.

Ikaw pa yung sama ng sama sa’kin gayung namomoroblema ka at palaging umiiyak para sa babaeng sabi mo hindi mapapasaiyo.  Nakakainis lang minsan kasi kahit magkasama tayo, hindi mo maiwasang magbanggit kung gaano ka nalulungkot dahil wala kang lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman mo.

Nakita kita. Katatapos niyo lang sumayaw para  sa isang program at nakakatawa talaga ang  costume niyong parang 70’s,pero aaminin kong naaliw ako sa sayaw. Kumuha tayo ng pagkain. Umupo sa damuhan kasabay ng ibang estudyanteng nakisaya sa parada at sa party pagkatapos ng parada.

But I can’t spell it out for you,

No it’s never gonna be that simple

No I cant spell it out for you

Ang jologs ng kanta..pero in fairness naman sa school, nagka-budget para mag-arkila ng banda para sa party. Bakit parang nagpaparinig ang kanta? Ewan.  Ang ganda pala ng lyrics tsaka melody..

If you just realize what I just realized,

Then we’d be perfect for each other..and will never find another

Tinitigan kita. Posible kayang..di bale na.

Just realized what I just realized we’d never have to wonder if we missed out on each other now.

Naglakad-lakad tayo matapos kumain. Katulad ng dati, hindi tayo nagsasawang mag-usap tungkol sa kahit anong bagay. At tulad ng dati, natatawa ako sa kung anu-anong hirit mo. Minsan, umaarte ka pa para sa mga jokes na bitbit mo.
Napadaan tayo sa ilalim ng malaking fire tree. Bumitaw ka na naman ng joke. Natawa ako. Napahinto ang tawa.  Dahil sa sinag ng buwan, nakita ko ang mukha mo. Kahit merong anino ng mga dahon ng puno ang mukha mo, kitang-kita ko ang mga mata mo. Ngayon ko lang nakita ang ganyang klaseng titig mo sa’kin. Ang parang nangungusap at malungkot mong mata. May sumilay na ngiti mula sa labi mo. At ang tagpong yun, ang snapshot mo.

One thought on “Snapshot

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s