Sunset

Papalubog na ang araw. Nagpapaalam sa langit at binabati ng halik ang dagat. Nasa papalubog na araw ang  tingin mo.

Kapag tinitigan ko kaya nang maiigi ang araw, mababasa ko dun ang mga nasa isip mo? Malalaman ko kaya kung ano ang nilalaman ng puso mo?

Hindi ko alam. Ang alam ko lang kapag may sinasabi ka sa’king ayaw mong malaman ng iba, pumupunta tayo sa tabing dagat. Bakit kaya? Baka siguro kayang tangayin ng hangin ang mga sikreto, dalhin ng alon, at lunurin ang mga ito sa dagat.  Baka nga ganun.

“Sakali bang magmahal ako uli, matatanggap mo?” tanong mo sa’kin pero sa araw ka rin nakakatitig.

“Mahal mo na ba siya?” ang tanging tugon ko.

“Alam mo na ang sagot diyan.”

“Kung ako ang tatanugin mo, matatanggap ko naman.”

“Salamat.”

“Pero hindi ibig sabihin na tanggap ko ay tama na… O siya, gumagabi na mama. Mauna na ako, baka mag-alala pa sa’kin si papa.“

Wala na ang araw.Nagpaalam matapos halikan ang dagat.. at kinabukasan ay babating muli.

One thought on “Sunset

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s