Gallery

One UPV

Nung Sabado, bigla ko na lang nakita ang mga FB post ng mga kaibigan ko tungkol sa isang trahedyang naganap sa UP Visayas Miagao. At sa maniwala kayo’t hindi, nanlamig ako dahil sa balitang ito.

Kung hindi niyo pa nabalitaan, ganito ang nangyari:

Estudyante at tricycle driver namatay, matapos masagaan ang minamanehong  tryk ng isang truck malapit sa University of the Philippines Visayas box 1, mga alas nuebe ng gabi noong ika-13 ng Hulyo, Biyernes.  Ang mga nasawi ay kinilalang si Alyssa Naranjo, 1st year public health student ng UP Visayas Miagao, at Carlito Muzones, security guard ng nasabing paaralan. Ang tricycle ay may lulan din na ilang estudyanteng nasa kritikal na kondisyon ngayon sa ospital. Ang drayber ng truck ay kasalukuyang nasa pulisya.

May rason kung bakit di ako pinalad na maging isang news writer.

Sa mga ganitong pagkakataon nararamdaman ng isang tao na maikli lang tlaga ang buhay. Iba pala yung pakiramdam noh? Na merong may namatay na halos kasing edad mo lang o mas bata pa kesa sa’yo.

Hindi ko kilala si Alyssa.  Pero alam kong konektado kami.. kung hindi ganun ka supportive ang teacher namin sa thesis, o kaya nag-extend ako ng ilang semesters pa sa UP, baka magkaklase kami sa ibang GE subjects.

Konektado kami ng iisang exam na tinatawag nilang UPCAT , ng iisang paaralan na humubog sa’min, konektado kami  ng parehong pakiramdam ng unang pagtungtong sa UP, ng pananaw kay oble o sa blue book, ng mga upperclass niya na freshies at sophies pa lang ng nasa UP pa ako,  ng mga gurong tumutulong ngayon sa mga biktima at naging inspirasyon sa’kin, ng BOX1  kung saan dati ay masaya akong tumatawid kasama ang mga lasenggo kong kaibigan.

Hindi ko siya kilala pero masasabi kong konektado kami sa maraming bagay.

Isa siyang PH student, ang ini-expect ng lahat na kung hindi mag-shift sa social sciences, eh magiging magaling na doktor, hindi lang magaling na doktor, magaling na doktor sa Pilipinas, hindi lang isang magaling na doktor sa Pilipinas,isang magaling na doktor na handang magbigay serbisyo sa mga  baryong di naaabot ng serbisyong medikal.

At dahil sa edad niya, at sa katotohanang galing siya sa isang acquaintance party sa UP, may hinala ako kung  ano pakiramdam niya ng mga oras na yun. Marahil iniisip niya kung gaano kasaya, kagulo, at kapana-panabik  ang magiging buhay UP niya.

Acquaintance party

Si Mang Carlito naman. Kilala ko siya. Namumukhaan ko siya.  Isa siya sa mgasecurity guards ng UPV kaya malamang, isa siya sa nagpapaok sa’kin sa school kahit wala akong ID. Malamang isa siya sa natatawa sa’min at mga kasama ko habang kami ay nagsusulat ng pangalan namin sa logbook sa  box1 at naghehello na sa camera dun.

At bakit siya nagmamaneho ng tricycle sa mga oras na yun? Nagtitipid para sa 18th birthday ng anak niya kinabukasan. Nagtitipid para siguro may iuwing regalo para sa anak na babae..

At bakit sinusulat ko ‘to? Uhmm, siguro para sabihing,please, sa mga estudyante ngayon sa UPV, mag-ingat kayo diyan sa Box1, sa mga drivers, please slow down,  at please lagyan niyo po ng libu-libong ilaw diyan, ako na mismo ang gagawa ng paraan kung hindi na talaga kaya(sa mga gusto mag-donate para sa ilaw, please contact me sa contact details na nasabi ko sa blog na to.. alam ko nakakatawa pero seryoso, sino gusto magdonate?)

At sinusulat ko ‘to dahil isa ako sa mga taong hindi alam kung ano ang sasabihin sa mga namatayan, kung kaya’t heto, nagbabakasakaling sa tinitipa ko, maramdaman ng pamilya nilang, marami ang nakikiramay, nakikiiyak, nakikisalamuha sa lungkot..

Sa kay Alyssa, palagi kang maaalala bilang isang kapwa Iska. Iskang nagpaalala sa’min na sa maraming paraan, konektado tayo.  Kay Mang Carlito, maaalala ka bilang isang mapagmahal na ama.

Salamat sa inyo. Nakikiramay ako ng buong puso.

P.S. Alyssa, napangiti ako ng nabasa ko coverphoto mo.. Salamat sa isang di malilimutang aral. =)

One thought on “One UPV

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s