Gallery

Ragamuffin Post 2: Dear Rachel

Dear Rachel,

Naalala mo ba yung sabi ko na I’m fine kasi something good is happening to me?Ganito yun, the “good thing” na nangyayari sa’kin ay na-realize ko na kung gaano ako ka-jerk. Yup, good thing yan. =) Kahit ang sakit-sakit sa ego ko, good thing yan. hahah. Oo, parang light ngayon pakinggan pero I spent several hours meditating on this, nagtatanong kung bakit ngayon lang sa’kin pina-realize ng ganito.

Nagbabasa ako ng “Dug Down Deep” by Joshua Harris, at merong verse dun na sinampal ako. Oo, sinampal. Namumula pisngi ko, hindi dahil sa sampal, kundi sa hiya.

14 Remind them of these things, and charge them before God[b]not to quarrel about words, which does no good, but only ruins the hearers. 15 Do your best to present yourself to God as one approved,[c] a worker who has no need to be ashamed, rightly handling the word of truth. -Timothy 2

Bakit ikaw naisip ko? Kasi ganito yun, talagang gustong-gusto kitang maging kaibigan nun kahit nagdadalawang isip ako na ganun ang gusto mo. Tapos nakita ko na meron kang pin na “I love Jesus” noon kaya naisip ko na bakit di kaya mag-share uli ako sa’yo? Baka bumalik yung pananampalataya mo. Tsaka gusto kitang makasama sa langit someday.  Ang corny, pero totoo.

Naging misyon ko yun, na ipaalam sa’yo kung ano ang katotohanan na alam ko. Wala namang mali sa kagustuhan ko, pero may malaki akong pagkakamali habang  unti-unti kong binabahagi ang katotohanan na yun. Nakalimutan ko ang misyon ko,  dinaig ako ng pride at insecurities ko at ang kagustuhang maging tama. Nakakahiya mang aminin pero nag-focus ako kung sino ang tama at mali sa’tin. Isa akong malaking salungat sa binabahagi kong salita ng Diyos, na dapat ay merong “humility” at nakacenter sa Kanya at hindi sa’kin. Walang humility sa ginawa ko. Walang tungkol sa Kanya. Tungkol lang sa’kin at pride ko. Ouch. >.<

Naalala ko ‘to dahil sa first verse:

14 Remind them of these things, and charge them before God[b]not to quarrel about words, which does no good, but only ruins the hearers.

Rach, baka hindi ko pa nasabi to, humihingi ako ng tawad, kasi naging mayabang ako, arogante, at sobrang selfish. Kung may mga salita mang nakasakit sa’yo , patawarin mo ako. Kung may mga nasabi man ako para lang ipamukhang tama ako, pero salungat naman sa salita ng Diyos, humihingi ako ng tawad. Hindi ako naging role model sa pangalawang verse:

15 Do your best to present yourself to God as one approved,[c] a worker who has no need to be ashamed, rightly handling the word of truth.

Minsan iniisip ko na kung mas magaling lang sana ako sa pag-persuade, kung mas magaling na speaker o apologist, o kaya mas magaling sa pag-debate, baka na-kumbinsi kita? Pero hindi pala yun ang dapat kong ginawa, dapat pala pinakita ko sa’yo na mahal ka ng Diyos, sobra, at gusto ka niyang maging bahagi ng kaharian niya balang araw.

Pero dahil mayabang ako, hindi ko nagawa yun. Kaya sorry Rach.

Gayunpaman, gusto kong malaman mo na  pinapanalangin ko pa rin na maging bukas ang puso mo sakaling kumatok siya sa puso mo. At ipinapanalangin ko kayo palagi. lalong lao na ang pinaka-cute na si Nayan. =)

Ang mayabang pero nagbabago na(by God’s grace alone),

Kat

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s