Gallery

Zombie Apocalypse

Kagabi o kaninang umaga, naalala ko pa ng bonggang-bongga ang panaginip ko kaya ibabahagi ko na kasi why not? 

 

Na-trap daw kami sa isang city,kasama ang mga zombies na umaaligid. Hindi ko alam kung bakit. Kaya tumatakbo kami palagi, nagtatago palagi, natatakot palagi. Paraan para maka-survive: tumakbo, magtago, lumaban pero malaki ang posibilidad na matatalo ka, o magpanggap na isa sa kanila, at ang huli ay ang tumakbo palabas ng siyudad, doon sa bumubukas na gate sa takdang oras kada araw.  

Sa isang abandonadang ospital ako at  mga kasama kong naka-survive, napadpad sa katatago. Pero nakapasok ang mga zombies at wala kaming nagawa, kundi ang magpuntahan sa mga kwarto at magpanggap din na zombies. Puno ang paligid ng mga patay o mga putol na parte ng katawan ng tao. At ito ang sobrang nakakabigla, ang ibang kasama ko, para mapanindigan na nila ang pagpapanggap, kumain ng laman ng mga patay doon. At ako,  napadpad sa isang kwarto na puno ng patay na mga sanggol. Merong iba dun na nakapwesto na, handa nang magpanggap sakaling may makapasok. 

At ako. Naghahanap ng katawan pero hindi ko pa alam kung gagawin ko. Binuksan ko ang isang kumot, may patay na sanggol, wasak ang dibdib. Kinakabahan ako. Anong gagawin ko?  At doon, sa pinakasulok ng kwarto, umupo ako sa harap ng isang patay din na sanggol, medyo lumubo na katawan niya, ewan ko kung bakit. mapipilitan ba akong “kainin” ka kahit pagpapanggap lang  para sa buhay ko? Nakatunganga lang ako dun.. at biglang bumukas ang pintuan. Mga zombies. Kinabahan ako. Kaya ko ba talaga? 
  

Ito kainin mo. Sabi ng isang kaibigan ko. Hindi ko alam kung parte ng tao o laman ng tao yung binigay niya o parang parte ng hayop. Parang kanya ng manok.

Papalapit na sa’kin ang isang zombie. Papalapit. Ilang talampakan na lang. Tinitigan ko ang sanggol.  Tinitigan ko ang laman na hawak ko.  Papalapit. 5 talampakan, 3 talampakan. At sinubo ko ang laman. Habang tinititigan ang patay na sanggol. Gusto kong umiyak pero hindi ako umiyak. Kumain ako na parang wala lang. Na parang enjoy- na enjoy ako sa kinakain ko. Pero parang manok ang nakain ko. Ewan ko. At pinabayaan na ako ng zombie. 

Gaya ng sabi ko, merong ilang  paraan para maka-survive:  Tumakbo, magtago, lumaban pero malaki ang posibilidad na matatalo ka, o magpanggap na isa kanila, at ang huli ay ang tumakbo palabas ng siyudad, doon sa bumubukas na gate sa takdang oras kada araw. Yung huling option, choice lang yan ng mga gago, kasi doon malapit sa gate, maraming mga zombies na nakaabang,himala lang kung makalagpas ka. At isa ako sa mga gagong yun.

 Nag-abang ako, kasama ang iba pang mga gago. Nag-abang kami sa pagbubukas ng malaking gate.  Ilang segundo. Pumapatak na ang oras.. at ang pawis ko.. sa kaba, sa takot, sa posibilidad.

Bumukas ang gate. Agad kaming tumakbo lahat. Takbo! Takbo! Takbo. 

Tumakbo ako ng sobrang bilis. Yung parang sabik na sabik sa pagtakbo dahil hindi na ako nakatakbo sa tanang buhay ko. Tinititigan ko lang ang gate. Walang medalya dun. Walang kung anumang gantimpala. Ang sa utak ko lang. Ang gate.Kalayaan. Buhay. Hindi ako tumatakbo para sa medalya, tumatakbo ako para sa buhay ko.  

May mga  kasama akong naabutan ng mga zombies. At ako, takbo lang.

Malapit na ako. Malapit na. Parang pakiramdam ko nahahawakan ko na ang gate. Pero naabutan kami ng ibang zombies. Lumaban ako. Nagkakagulo na kami. Lumaban kami. Lumalaban habang inaabot ko ang gate. Kalayaan. Buhay.

Pasara na ang gate.Laban. Malapit na. Malaaaaaaapiiiiiiiit na. 

Sa wakaaaaaaaaaaas!  Nakalabas ako. Sumara ang gate.

Ako lang. Ako lang ang naka-survive.

A tinignan ko ang mga kasama ko na nasa kabilang parte ng gate. Na unti-unting inuubos ng zombies.

Kalayaan. Buhay. Pero hindi ang gantimpala.

-fin-

Yun yung panaginip ko. Nope, I was not watching a movie about zombie apocalypse bago ako natulog. I was actually reading a book about “Thinking”, philosophical book by John Piper. So any thoughts guys kung ano ang ibig sabhin ng pnaginip na ‘to? Bukod sa mukha na akong zombie dahil sobrang busy ko ngayon. Hahahah.😄

7 thoughts on “Zombie Apocalypse

  1. waaaaaaaaaah…ang galing ng flow ng story sa dream mo… para talaga siyang eksena sa movie kat :))

    pwede!!!!!

    minsan, sobrang random lang talaga ng mga panaginip..pero eto? sobrang weird..hihi….

    mas gusto ko yang ganyang panaginip, parang adventure… di kagaya nung sa’ken,,, horror na bangungot at worse pa, hindi ako makagalaw :((

    lagi akong nagnanaytmare lately :((

    nakaka stress …

  2. Nakakaloka naman ang panaginip mo :// Nightmare na talaga!

    Sabi nila, may koneksyon daw ang panaginip sa mga katangian ng isang tao, siguro, sa tunay na buhay, ikaw yung tipo ng tao na lalaban at lalaban para makasurvive. Sa panaginip mo, survival of the fittest talaga eh.

    Naku, kung totoo ang zombies, hindi ko rin alam kung ano gagawin ko:/

    Hello!🙂

  3. oo nga parang movie or fiction story. anyway..feeling ko ang lungkot nung panaginip mo, parang naabot mo yung goal mo pero marami kang natapakan o rather naiwanan. o kaya naman may achieve ka nga pero di ka naman masaya doon sa nakuha mo.

  4. eto ang hula ko: actually, lahat kayo sa panaginip ay hindi zombie. may naunang nagtrip na magpanggap na zombie tapos inakala ng isang tao na totoong zombie siya kaya nagpanggap din siya para hindi siya makain ng naunang zombie. domino effect na siya hanggang sa lahat ay napilitan na ring magpanggap na zombie. haha!

  5. ang panaginip mo parang buhay ng tao.. kailangan mong tumakbo, lumaban, magpanggap para mabuhay.. at kung papalarin ka na maabot ang kalayaan sa buhay, makikita mo na mag-isa ka lang… ikaw lang… so.. lasang chicken joy ba yung sanggol?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s