Gallery

Napanaginipan Kita Kagabi

Ang weird ngayon ay palagi ko nang naaalala ang panginip ko, at napanaginipan kita kagabi. Wag mag-assume kung sino ‘to.

Pupunta daw tayo sa isang beach, kasama ang ilang mga kaibigan pero hindi ko alam kung sinu-sinong mga kaibigan. isa lang ang natatandaan ko. 

Magkatabi tayo sa sasakyan. At gaya ng dating gawi,nakatulog ako sa balikat mo. At sa tulog ko, medyo payapa ang pakiramdam ko. Siguro dahil noon, kapag kasama kita, pakiramdam ko, ligtas ako. Sa sobrang payapa ng pagkakatulog ko sa balikat mo, nanaginip ako tungkol sa mga bundok, himpapawid, dagat.   

Nang nakarating na tayo sa beach, yung kaibigan natin, sinabihan ako na mas maging maingat. Alam naman daw natin na hindi pwede yung ginagawa natin. At nalungkot daw ako sa panaginip ko. Pero wala tayong pakialam, kaya buong araw, nag-uusap tayo, tungkol sa kamusta na tayo, matapos ang ilang taong hindi pagkikita. Pero kadalasan, tahimik lang tayo. Tinitignan lang ang dagat. 

Ang naalala ko lang sa mga sinabi mo ay nahihirapan ka sa exams mo lalo na sa Math na hindi ko pinaniwalaan dahil alam kong matalino ka sa Math. Sabi mo na analyze ka ng analyze pero hindi mo pa rin makuha, sabi ko naman, para makisabay lang, baka Analysis paralysis ang nangyayari sa’yo.

Maya-maya,  sinabihan uli tayo ng kaibigan natin na alam nating mali ang ginagawa natin. Na tinitignan tayo ng iba. Pero wala tayong paki-alam. At tinignan lang natin ng tahimik ang papalubog na araw.

Ang weird lang kasi sa totoo lang, hindi ka naman sumasagi sa isip ko ngayon. Parte ka na ng nakaraan at alam kong hindi na magiging parte ng hinaharap. Siguro, ang panaginip na ‘to ay para ipaalala na dapat magkapatawaran na tayo, pero hindi naman masama loob ko sa’yo.    

4 thoughts on “Napanaginipan Kita Kagabi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s