Gallery

I Feel so Irrelephant

Ayoko talaga mag blog tungkol sa mga walang kwenta kong feelings pero alam mo yun, in love na naman ako, joke lang.😄  Hindi talaga ako naniniwala na walang kwenta ang feelings, kasi hindi mo yun masasabi na invalid yun kasi totoo yun para sa taong nakakaramdam nito.

Iba pala noh? Kapag ramdam na ramdam mong nasa mundo ka na importante ang status.   I  mean social status ha hindi status sa social network.

Kapag kailangan mong makipag-deal sa schedule ng mga importanteng tao, doon mo ma-rerealize kung gaano ka ka-irrelevant. Natutunan ko na minsan kailangang mag-extra effort o mag-adjust ang mas maraming tao para sa napaka-importanteng schedule ng mga taong kapag mawala sa mundo, mararamdaman ng mas marami. In short, unfair ang mundo, unfair ang mga tao.  Ayoko talagang maniwala na ganun, pero sinasabihan  na ako minsan ng realidad na “In your face Kat”, so wala kong choice kundi ang sabihin sa “Kaypayn.  Panalo ka na. kTnxbye”

At dahil sa realization na yun, dalawa yung natutunan ko:

1. Siguro simulan ko na tratuhin nang mas maayos ang ibang tao. Kasi, hindi ibig sabihin na kung unfair ang mundo o ibang tao, eh may karapatan ka nang maging unfair sa ibang tao.

2. Natutunan kong, sa totoo lang, ayokong maging importanteng tao sa marami, kasi para sa’kin, sapat nang maging importanteng tao sa taong importante sa’kin.

Naks! Random ‘to kasi matagal ko na dapat na post ‘to pero di ko natapos kasi nga  emotional ako that time. ^^ hahah

 

 

One thought on “I Feel so Irrelephant

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s