Sa Habal-habal,LRT at Kung Saan-Saan Pa

Naalala mo pa ba?
Nang sa habal-habal tayo’y magkasama?
Ating mga braso magkadikit
Ika’y nakayakap habang nakapikit.

Nang sa pedikab tayo’y sumakay,
Magkahawak ang mga kamay.
Parehong nakatingin sa harapan,
At nakangiti sa kawalan.

Sa loob ng taxi, tayo’y nakikinig
Sa drama at kwento ng pag-ibig,
Pero sa isa’t-isa nakatingin,
At iniisip, mas maganda kwento natin.

Sa dyipni nagpaabot ng bayad,
Kaya nagkasalubong ating palad
Kaya naman,natitiis init at sikip
At sa byahe, di naiinip.

Yung sa  bus naman, lahat nalilimutan,
Kahit lugar na pupuntahan,
Maliban lamang sa ulo mo
Na nakasandal sa balikat ko.

Eh yung sa LRT kung saan
Tayo’y nakipagsiksikan,
Ang sarap sumayaw sa saliw ng musika,
Lalo pa’t theme song nating dal’wa.

Habang tayo’y nasa malaking barko
Diba nagsambit tayo ng mga pangako?
Sa harap ng asul na karagatan
Sa harap ng araw na nagpapaalam.

Mahal, ako ngayo’y lulan ng isang eroplano
Para sa atin, para sa’yo.
Sana wag mong kalimutan ang ating mga kwento
Maliban sa kwentong nagpapaaalam ako sa’yo.

************************************************************************************************

Ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards:

Sponsors:

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s