Bahay,Trabaho,Lovelife

Dear Friend,

Kamusta ka na? Pasensya ka na, di na ako na nakapag-update sa’yo kung kamusta na ako dito.  Maraming nangyayari sa ‘kin ngayon. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung saan magsisimula. Gusto ko sanang sabihin na may lovelife na ako pero alam mo yun, wala pa namang may minamalas na manligaw sa’kin. hahah

Una, naglipat na pala kami ng bahay friend.  Matagal ko ng plano ‘to pero yung kapatid kong babae tsaka lalaki, hindi makapag-desisyon kaya ako na ang nag-desisyon para sa kanila. hahah. Gusto naman nila ang bahay dahil kung di nila gusto, wala din naman silang choice. Eheh. Gustong-gusto ko yung bahay kasi mura, akalain mo, yung kwarto ko sa Cebu, tulad lang ng presyo ng bahay namin dito!🙂 Kaya lang, may tuko nung naglinis kami dun. Ayoko nang i-detalye kung paano ako nagsisiga-sigaw at tumalon-talon ng nakita ko yun.  Sobrang takot talaga ko sa tuko. T.T

Pangalawa, magkakaroon na ako ng trabaho by November. Pero di pa ako sure kung matatanggap talaga ako kasi nga yung work eh sa banko.  Alam mo naman, complicated yung relationship ko sa Math, parang hate-hate relationship lang. Hate ko siya, hate niya din ako. heheh.  Pero feel ko yung OIC na nag-interview sa’kin kasi yung pinag-usapan namin sa interview eh tungkol sa eyeglass ko. heheh. Kung paano napunta dun ang usapan namin, ewan ko. ^^

Pangatlo, nagiging close na ata ako sa kapatid kong babae. Bumabawi ako ngayon kasi alam ko naman na palagi akong wala. Yung last time na pinag-usapan namin eh tungkol sa kung bakit wala pa kaming boyfriend. Sabi niya wala naman daw may nanliligaw sa kanya. Nagtatanong pa siya kung bakit kaya ganun eh ok lang naman ang itsura niya.  Sabi ko naman, kasi mas maganda ako. Ahahah.Pero wala din naman may nanliligaw sa’kin, kaya invalid ang reason. hahah. Nagkwento siya na yung classmate niya daw, di naman kagandahan, eh ang dami-daming boypren.

Para pampalubag loob, sabi ko na lang na  kasi yung mag babae, para yang prutas. Yung ibang lalaki, kuntento na pulutin yung mga prutas na nahulog, na nasa lupa, kasi madaling kunin. Meron din namang mga lalaki na gusto sana yung prutas na nasa puno, pero parang ayaw mahirapan, kaya kuntento na silang tumingala. At meron ding mga lalaki na gagawin ang makakaya, aakyatin ang puno, at pagsisikapan na makuha ang gusto nilang prutas, kaya ang makakakuha sa prutas ay yung nagtiyaga. At siguro kaya wala pang may kumukuha, kasi umaakyap pa, o  mahirap kunin o kaya naman, matalino ang lalaki, at  alam na di pa pwedeng kunin ang prutas. Parang ganun, alam mo yun? Pero ewan ko kung naniwala siya saken. hahah.

Pang-apat. May bago akong crush pero di ko sasabihin kung sino. Kasi kung sinasabi ko,  minamalas ako. Hahah. Anyway, hanggang crush lang talaga ako kasi unrequited love ang drama ko. hahah.  Nakaka-relate ako sa sinabi ng isang friend ko noon, feeling ko ako si Dominic Ochoa sa Jolina-Marvin  movie. hahah. Buti na lang talaga may nag-advise sa’kin na blogger friend-non-verbatim, “the guy doesn’t deserve you because he makes you feel bad about yourself”. Oh di ba? Siya na ang englishero. Hahah. Kaya ayun, kahit crush ko siya, parang wala lungs. Sa totoo lang, nakaka-inggit ang abilidad kong maging indifferent kapag nag-desisyon na ako.  Mwahahah.

Andaming bago sa’kin ano?🙂 Sana balitaan mo din ako kung kamusta ka na. Kung masaya ka ngayon o malungkot. Sana balitaan mo ako kung ano ang palaging iniisip mo ngayon. Gusto ko sana, masaya ka kung nasaan ka man ngayon.  May mga bagay na nagpapaiyak sa’kin pero parang wala lang yun kumpara sa mga rason kung bakit dapat masaya ako. Kaya talagang hinihiling ko na nakangiti ka ngayon.

Sincerely,

katrinadanieles

4 thoughts on “Bahay,Trabaho,Lovelife

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s