Sulat nang Sulat!

“The kicking never hurts me. There’s no pain at all. Just a hollow sound that echoes with each kick. And even that is bound to fade one day. At Hamburg Airport though, the kicks were longer and harder than usual.  Which is why I’m writing this book. To think. To understand. It just happens to be the way I’m made. I have to write things to fully comprehend them”.(Norwegian Wood, Murakami)

Nung nabasa ko ang linyang to sa librong ‘to, naisip kong akong-ako yun pero mas na-articulate lang ng ibang tao.  Kung tatanungin niyo ako kung bakit pa ako sumusulat, yun ang isasagot ko, para mas maintindihan ko ang mga bagay-bagay.  Para mas maintindihan ko ang sitwasyon, ang nararamdaman ko, ang ibang tao.

Paano ako nagsimulang magsulat?Uhmmm,  hindi niyo na maitatanong, pero magaling kasi talaga ako sa spelleng, pati na rin sa grammatic ko. Nung nasa elementarya ako at habang nakikinig ng maiigi sa teacher ko kung ano ang mga binebenta niya, pumasok ang principal namin sa room. Sabi niya kailangan nya daw ng mga writers para sa isang contest. Sinabihan ako ng teacher ko na ako daw bahala sa “feature”. Ang sa isip ko,”Ano kaya  yang feature na yan?” Ang alam ko lang na feature, yung kinukuha gamit ang camera. heheh.   Kaya ayun, sumabak ako sa contest na walang ka-alam alam. At dahil sinuhulan ko ang mga judges, nanalo naman ako.  Kung meron akong natutunan sa contest na ‘to, yun ay gusto kong sumulat.

Sumusulat ako sa likod ng notebook, sa diary, sa yellowpad, sa stationery na ini-exchange2 sa mga kaklase.  Sumusulat ako tungkol sa dagat, sa nanay ko, tungkol sa kay papa,tungkol sa school ko, tungkol sa crush kong gawa-gawa ko lang talaga para di masabihang abnormal. Abnormal daw kasi yung walang crush.

Sa totoo lang, para sa’kin, ang pagsusulat ay defense mechanism ko, kahit na medyo maingay ako, wala talaga akong sinasabi, alam mo yun?  Hindi ako marunong magsabi kung ano talaga ang nararamdaman ko, o kung ano ang iniisp ko. Andaming pagkakataon sa buhay ko na pinapasalamatan ko na merong pagsusulat, dahil kung wala, di ko alam kung paano maging matatag sa mga sitwasyong yun. Either hindi ako ganun ka -articulate o natutunan ko na ang lesson ko na hindi lahat ng tao, maiintindihan ang ibig mong sabihin sa paraang di sila masasaktan. Meron ding mga bagay na alam kong sasabog sa dibdib ko kaya sinusulat ko din. At hindi din ako ang tipo ng tao na kapag galit sa ibang tao, eh nagpo-post ng isang kartolinang hinanaing sa cabinet ng kaaway ko o kaya nagsisisigaw, kaya sinusulat ko din yun.

At oo, sa dalawang beses na na-inlababo ako, pareho silang sumusulat.  Yung una, hindi ko sinasadyang mabasa ang journal niya, ang pangalawa,uhmmm, blogger din siya. Parehong hindi nag-atubiling gumawa ng letters para sa’kin. At kung tatanungin niyo ako kung posible bang ma-inlababo ako dahil sa kung paanong magsalita o sumulat ang isang tao, di ko itatangging oo. Ayiii. Minsan nga, parang nakaka-turn off kung malaman kong di nagbabasa ang isang lalaki. I mean, bakit hindi, di ba? So anong nasa utak niya? Yung lectures lang na narinig niya sa iba o  ang napanood niya?

Bakit ko sinusulat ‘to? Dahil selfish ako. Para sa sarili ko ‘to, tungkol sa sarili ko, at kung meron mang taong magka-interes na magbasa, salamat. Pero gusto kong makaabot sa puntong hindi na ako makasarili kung magsulat. Totoo, kahit mahirap yun, gusto kong pag-aralan yun.  Ironic. KAsi alam kong hindi din ako sumusulat para magpa-impress o magbigay ng satisfaction sa sarili ko, dahil sa totoo lang, kapag sumusulat ang isang tao, wala siyang may nakukuha, may binibigay lang, at ang binibigay niya ay parte ng sarili niya. Siguro, kaya talaga sinulat ko ‘to dahil sa numero unong gusto ng tao—ang maintindihan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s