Dear Stranger,

Una sa lahat gusto kong malaman mo na galit ako sa’yo. Sa sobrang galit ko, may plano na naman akong tumakas at magpakalayo-layo. Sa sobrang galit ko, confused ako ng maraming araw. Sa sobrang galit ko, ayaw na ayaw kitang makilala. Nagpa-plano na nga akong mag-ipon, maghanap ng lugar kung saan ako pwedeng mabuhay, magpaalam sa mga tao na hindi ko na kayang manatili.

Pero anong karapatan kong magalit sa’yo? Anong karapatan kong tratuhin ka ng ganito? Anong karapatan kong di ka mapatawad?

Eh isa lang din naman akong taong pinatawad lang din… tinanggap, at minahal.

Kaya, gusto kong sabihin sa’yo na andito lang ako… maghihintay sa’yo. Tatanggapin kita at mamahalin hangga’t makakaya ko.

Magiging malupit ang mundo, kaya wag na wag kang susuko. Alam kong mararamdaman mong nag-iisa ka at walang may nakakaintindi sa’yo. At marahil, di din kita maiintindihan.. pero gagawin ko ang makakaya ko para ipaalam sa’yo na hindi ka nag-iisa, na merong may gustong makaintindi.

Sumasakit ang puso ko dahil sa’yo. Ilang beses na akong lumuha dahil sa’yo. Ilang beses na akong naging gago dahil sa’yo…

Pero ang pag-ibig ni Hesus ang siyang tutulong sa’kin para mahalin ka ng lubusan. Kaya excited na akong makita ka. :’)

Love,
katrinadanieles

One thought on “Dear Stranger,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s