Dream Catcher

Susulat ako tungkol dito dahil sa napakaraming rason.

1.Unang rason.  May estudyante ako(ooops, di ko pa pala nakwento na teacher na ako ngayon, i-blog ko na lang sa ibang araw),na nagtanong sa’kin ng isang weird na tanong. Hindi naman talaga weird ang tanong, weird lang kasi isang 11 year old ang nagtanong.

“Teacher,masaya ka ba kung ano kayo ngayon?” tanong niya habang kumakain ng lunch.

Hindi naman masyadong pa-deep ang batang ito. hahah.

2. Pangalawang rason. Nabasa ko yung blog ng kaibigan kong si Myka, at pareho kami ng nararamdaman sa ngayon. Yung sinasabi niya sa blog  niya, parehong-pareho sa kung anong gusto kong sabihin sa ngayon kaya ako na ang mangongopya.

Yung title pa nga ng blog niya ay “Dream catcher”. Mahalaga sa’kin yung phrase na yun, kaya nga may plano akong magpa-tatoo sana nun. Pero dahil sa mga kadahilanang sa ibang blog ko na lang sasabihin, baka hindi na matuloy. >.<

Basta, pareho kami ng nararamdaman ngayon. Ayaw naming sumuko sa mga pangarap namin pero di din namin makakailang mahirap abutin ang mga pangarap namin.

3. Pangatlong rason. Dahil confused ako at dapat na akong magsulat para maintindihan ang nararamdaman ko.

Hmmm..gusto kong sabihin na masaya ako ngayon. Totoo. Pero paano ko ba ipapaliwanag yung nararamdaman ko ngayon? Masayang malungkot?  Siraulong nagpapanggap na normal? Normal na nagpapanggap na siraulo? Echosera ng palaka? Masaya- kasi- nakukuha- niya- lahat- ng- gusto- niya- pero- medyo-malungkot-kasi-may- mga- bagay- na- gusto- niya-sana- kaya- lang- dahil masaya- siya- sa- mga- bagay- na- meron- siya- ngayon-at- ang-mga-bagay-na-meron-siya-ngayon-ay-kailangan-ng-commitment-iniisip- niya- na kailangan niyang nang magba-bye- sa- ibang- bagay-na gusto- niya-sana??? Phew! Magulo ba?

Related ang blog na ‘to sa isang past blog ko. Pindutin para mabasa ang related blog.Lol.

Bacolod. Simula nung dumating ako dito sa Bacolod, andami-daming nagbago sa’kin at sa sitwasyon ko. Nagbago rin ang priorities at commitments ko. At dito ko lang din na-realize na nagbago din ang mga gusto ko. At hanggang ngayon, iniisip ko pa kung nagbabago na rin ang mga pangarap ko. Totoo nga siguro na naiwan ko ang puso ko dito. Ayiiii.

New Zealand. Ginusto kong mag-aral sa ibang bansa kasi nung mga panahong ginawa ko ang desisyon na yun,madali lang sa’kin abutin ang pangarap na yun. Kasi nga nagha-handle ako ng scholarship programs. Pero hindi ko na tinuloy. See blog na lang kung bakit.

Maniley. Pinangarap kong mag-aral ng Creative Writing pero may mga pangyayaring nag-udyok(naks! creative writing ang topic eh. hahah) sa’kin na ipagpaliban na muna ito. Pinangarap ko ding makapag-publish ng sarili kong aklat pero napaka-imposible talaga niyan sa ngayon lalo pa’t matatagalan o baka hindi na ako makapag-UP Diliman. =(

Cebu. Pinangarap kong makakilala ng taong tutulungan ako magpakalayo-layo o kaya mamuhay na lang ng mag-isa. Pero paano ba yan, nakakilala ako ng taong hinihiling na mag-stay ako at maghintay habang nasa Cebu siya (o balang araw sa ibang bansa) . Nakakilala ako ng taong  naging isa sa maraming rason para manatili ako. Nakakilala ako ng taong pinakita sa’kin na masaya din pala ang hindi mag-isa.Acheche! Pero yun nga… naninibago at nabibigla ako sa “alien” na pakiramdam na ‘to. Yung masaya kasi di ka nag-iisa.  Yung pakiramadam na.. kakayanin mong manatili at maghintay.

Kaya heto masayang  malungkot ako. Malungkot na masaya. Kasi pakiramdam ko, andami ko pa sanang kayang gawin. Andami ko pang kayang abutin. Andami ko pang kayang makuha.

So ano ba talaga ang gusto kong sabihin? Wala naman talagang gustong i-point out, gusto ko lang ipaalala at ipa-intindi sa sarili ko na:

1. Wala kang rason para  hindi maging masaya sa kung sino at ano ka ngayon. Kasi ang Kat ngayon ay ang Kat na nakakakilala kay Hesus. Yung Kat ngayon ang nagbalik loob sa Diyos. Ang Kat ngayon ay ang Kat na natuto kahapon. Ang Kat ngayon ay Kat na may pagkakataong baguhin ang Kat bukas.

2. Sa totoo lang, binibibigay sa’yo ngayon ng Diyos lahat-lahat ng gusto mo sa buhay. Kaya lang, hindi mo napapansin yun kasi kasi binago ka ng panahon. Binago ka ng mga karanasan mo. Binago ka ng mga taong nakapaligid sa’yo. Binago ka ng mga minahal mo. Binago mo ang sarili mo.  At binago mo ang mga pangarap mo.At dahil dun, nakalimutan mong nasa sa’yo na ang lahat ng ginusto mo sa buhay.  Minsan, kailangan mo lang talagang maalala kung anu-ano ang mga yun. =)

3. Masaya ka Kat. Period.  At ok lang talagang maging masaya. ^_^

kat2

kat11

kat13kat4

kat5kat6kat9

kat3

=)

3 thoughts on “Dream Catcher

  1. Kat, nakita ko lang yung bago mong blog nang bag pingback ka sa blog ko. Miss na kita, sis! Sana maging masaya ka din…yung masaya na masaya, di yung masaya na malungkot, o malungkot na masaya…kasi ang bata pa natin para maging malungkot eh… Miss kita, sis!😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s