Hello Tomorrow-Hu u?

“I don’t know if you’ve ever felt like that. That you wanted to sleep for a thousand years. Or just not exist. Or just not be aware that you do exist. Or something like that. I think wanting that is very morbid, but I want it when I get like this. That’s why I’m trying not to think. I just want it all to stop spinning.”

-Stephen Chbosky,The Perks of Being a Wallflower

Hindi na ako nagba-blog sa aking personal blog kasi pakiramdam ko sa personal bloggers ay mga taong pakiramdam nila ay napaka-interesante at importante ng buhay nila. At wag niyo na akong tanungin kung bakit napabilang ako sa mga ganitong klaseng blogger.

Anyway, random post na naman to. Marami lang talaga akong iniisip kaya kailangan kong mag-tipa(naks!) dito. Mga realizations na ewan. Mga advice na ewan. Siguro,mga ideas na pwedeng magsulat ako about  kung sakaling magka-oras ako.

1. Magmahal ng taong di ka mahal. Kasi kailan pa naging challenging ang magmahal ng taong  mahal ka din? Pero seriously, dito mo matututunan kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal. Marami kang mapupulot na hindi basura. Ano raw? Next time ko na i-explain.

2. Tanungin mo ang  sarili mo ng tanong sa Nescafe, “Para kanino ka bumabangon?”  Kasi minsan, kapag di mo alam ang sagot, hindi mo na alam kung paano ka babangon.

3. Kumain ng ice cream habang umuulan. Ang mga memories ay gawa ng mga moments. Alam niyo yung ibig kong sabihin? Kung isang pelikula ang buhay mo,  magiging exciting ba ito kung sakaling ang ginagawa mo lang whole day a matulog habang umuulan?

4. Magbasa na para kang ewan. Minsan,  kailangan mo lang talagang makita ang mga bagay-bagay sa ibang pananaw.

Noon, nung nagbasa ako  tungkol sa mga Bible characters, example si Moses, yung maalala ko lang sa kanya ay yung Red Sea, kay Abraham ay tungkol sa anak niyang si Isaac, kay Noah ay tungkol sa seven dwarves este ang ark.

Tapos ngayon na-realize ko na isa  sa paborito kong parte sa kwento nila ay yung pinapagawa sila ng mga altars sa iba’t ibang lugar. Ang weird?  Anyway,sa palagay ko, pinapagawa yun sa kanila nang  Diyos para ipaalala sa kanila ang oras at lugar kung kailan nakita nila kung gaano kabuti ang Diyos. Para meron silang paghugutan ng  pag-asa nila sakaling may pagsubok na naman silang haharapin.

5. Magmahal na parang di ka takot. Sumayaw na parang  walang ibang tao. Mamuhay na parang wala nang bukas, na para bang, hindi siya nag-eexist, na parang di mo siya kilala. Dahil kahit alam nating mamamatay at mamamatay tayo, feeling pa rin natin, invincible tayo. Ang ibig ko lang sabihin, minsan we take people or things for granted kasi akala natin andyan lang yan lahat.

Bakit may mga ganitong kadramahan? Kasi bigla(hindi naman tlaga biglaan, parang  paunti-unti)  akong nakaramdam nung naramdaman ko nung 1st year College ako, nung unang break-up ko(And hopefully, last na rin. hahah). Yung sa 1st paragraph ng blog na to.

Ang masasabi ko lang ngayon–Hello tomorrow, hu u?

live

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s