Fast and Curious

May nabasa akong linya sa isang libro na parang nagsabing, kung gusto mong makapagsulat ng isang aklat, dapat sumusulat ka araw-araw, kahit hindi ka inspired. Mag-so-sorry na naman ako kasi ilang buwan din akong hindi nakapag-update dito kasi nga di ako inspired. ^_^ Saree! Ang arte-arte ko. Anyway, mabilis lang ito na update tungkol sa’kin kaya “Fast” tapos “Curious” kasi may tanong ako afterwards tungkol din sa’yo. Sana sagutin niyo sa comments section kasi curious talaga ko kung kamusta na kayo. =)

1. Kinasal na yung dalawa kong mentors.  =) Kaya sobrang busy ako Last February tsaka ngayong March. Hindi ko sila nababanggit dito kasi pribado ang mga buhay nila. =) Ang hirap-hirap palang mag-palno ng kasal. Phew! Pero wala naman talaga akong ginawa. hahah. Curious lang, nasa point na rin ba kayo na parang halos lahat ng tao sa palagid mo, kinakasal na? Paano mo masasabing handa ka na sa mga ganyan-ganyan?

2. Hindi ko pala nabanggit na isa ako ngayong Child Development Worker. =) Isang volunteer. =) Allowance lang natatanggap ko kaya kung may isang pelikulang pwedeng mag-describe sa’kin ngayon, “I am Number Poor” na yun. hahah. Pero kung tatanungin niyo ako kung masaya ako. Masayang-masaya ako sa ginagawa ko ngayon. Kung kayo ang papipillin, ano ang mas prefer niyo, trabahong malaki ang sweldo pero di kayo nag-eenjoy o trabahong maliit ang sweldo pero masaya ka?

3.  Lumipat uli ako ng bahay. Heheh. Ilang beses kang lumilipat sa isang taon? hahah.

4.  Nasa parang- pero- hindi-naman-totally- long-distance-relationship ako ngayon. Perstaym kong mapasok sa ganitong relationship. Noon, sinasabi ko sa sarili kong ayaw ko talaga ng ganyang klaseng relationship pero siguro talagang may mga pagkakataon sa buhay mo na may makikilala kang taong hahayaan mong baguhin ang pananaw mo sa buhay. You will eventually meet someone na sasabihin mong worth waiting, worth the pain,  basta worth it.  Kung may isang bagay na sigurado ako tungkol sa sarili ko, ito yun, tanga ako pagdating sa ganitong aspeto.  Kapag nagmamahal ako, nagmamahal talaga ako. Acheche. Ikaw? Paano ka magmahal? heheh

5. I am Judas. Last Sunday, yung sermon ng senior pastor namin ay tungkol sa buhay ni Judas. Sa totoo lang, andaming points na gusto kong magsabing “Grabe. I agree.”  o kaya ” Tama yun”. Basta, sobrang nakaka-relate ako. Sa totoo lang, nasa point ako kung saan feeling ko,trapped ako. Sobrang mababait ang mga tao sa paligid ko.  Mabait ang mentors ko,  ang boss ko-the best. Ang housemates ko-wala akong masabi. Ang boyfriend ko-kahit andaming hard times, masasabi kong isa siya sa pinaka-pasensyosong taong nakilala ko. Kaya wala akong karapatang magmaktol ngayon.

I’m just trapped. Sobrang nade-depressed ako kasi nasa posisyon ako ngayon na ang hirap-hirap malagpasan. Life is hard, people get hurt,I am not perfect  but at the end of the day, God is good. Sa totoo lang, kaya kong gumawa ng isa pang blog para lang sa number 5 point ko. Sobrang gusto ko ng mabilis na escape. Say goodbye to a person. Make an event a little faster. Leave. Puro mali ang naiisip ko. Kung trapped kasi ako, feeling ko, kailangan ko humanap ng butas somewhere tsaka umixet. Basta. Walang-wala ako ngayon. I’m just holding unto God’s grace right now. I’m just holding to the truth that I can always go back to my Father. I’m just holding unto God’s goodness.

Question, ano ang nagpapa-depress sa’yo ngayon? At paano ka mag-cope dito?

Dito na lang muna ako ngayon. Kung nakaabot ka dito, mahal na kita, pramis! ^___^

3 thoughts on “Fast and Curious

  1. Sis! I miss you.🙂
    Pag sagutin ko pa mga tanong mo, sure ako makakasulat ako ng bagong blog article. i-link ko na lang? Haha. Bibigyan ko ng title na “Ang Natatanging Tagalog Na Blog, Kasi Ito Ay Sagot Sa Mga Katanungan Ni Kat.” haha.

    Enjoy ka sa buhay mo. Tsaka text ka din kung minsan. Haha. Or Viber. Tsaka bakit ka ba kasi palipat2 ng bahay? Punta ka ulit dito sa Cebu, nakatira parin ako sa bahay na nakita mo 3 years ago. (Kasi ang loyal ko na tao. haha)

    Mahal kitam sobra!❤

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s