Nanggaling na Kami Diyan

Nakaka-confused. Nung bata pa ako, tuwing maririnig ko ang mga matatanda ng mag-usap tungkol sa buhay at mga bagay-bagay, parang lahat ng sasabihin nila, tama. Kaya ayun, mas madaling mag-isip na “Ah ganun pala yun”.

Tapos darating ka sa puntong para kang tanga. Yung humahayskul ka at nagsasalita ng mga kung anu-ano kagaya ng..

“Hindi niyo ako naiintindihan”.(HAHAH!)

“Malaki na ako, alam ko na ang ginagawa ko.” (hahah ulit.XD)

at heto pa ang matindi..

“Parang kayo pa ang nagmamahal.” (hahahahah.)

Kapag highschool ka iisipin mong tama ka. Na walang makakapigil sa mga plano at gusto mo. Na hindi ka lang talaga naiintindihan ng mga mas nakakatanda sa’yo. Na best choice talaga yung mga crush mong may may mala-F4 na buhok at sinasayawan ang mga kanta ng Backstreet Boys. At yung maniniwala ka talaga sa kung anu-anong ka-chessyhan at ka-emohan na pinagsasabi sa’yo.

Tapos,bigla kang tatanda. Sisimulan mong mangarap para sa sarili mo at sa pamilya mo. Lalo na pagka-graduate mo ng college. Iisipin mong “you’re on top of the world”. Na gagawin mo ang best mo para baguhin ang sarili mo, ang sistema, ang mundo. Na magvo-volunteer ka sa Africa o China para magpakain sa mga bata. Na susulat ka ng tula o librong magbibigay uli ng pag-asa sa ibang mangarap. Na mag-iimbento ka ng kung ano para magbigay ng solusyon sa cancer at climate change. Na iikutin mo at babaguhin ang  mundo.

Pero mare-realize mong may mga bills na kailangang bayaran. Na may sabon, shampoo, deodorant at toothpaste sa na kailngang bilhin. Na ang mga pinggan ay hindi  kayang hugasan ang sarili nila. Na hindi rin kayang labhan ng mga damit ang sarili nila. Na mas mahirap palang mag-diet kesa sa Algebra exam mo. Na sobrang nakakatawa pakinggan ang mga highschool  kapag nag-eemote sila. Na kasing tigas ng platinum ang pag-uugali ng mga tao sa paligid mo. At ang sistema, unti-unting babaguhin ka. In short, tatanda ka.

At makikinig ka sa mga bata sa’yo at iisipin na, hindi nila alam ang ginagawa nila . At maririnig mo sa kanilang “hindi mo ako naiintindihan” at meron pa silang i’ll-prove-you-wrong-attitude. At matatawa ka at iisiping “Ito pala ang pakiramdam ng mga mas nakakatanda sa’kin noon na nagsasabing– nanggaling na kami diyan”.

Pero paano kapag gusto mo pa ring mangarap? Na gusto mo pa ring baguhin ang mundo.  Na gusto mo pa ring sumayaw na parang walang may nakakakita sa’yo. Na gusto mong kumanta na parang nasa CR ka lang. Na gusto mong mag-volunteer para sa mga batang ginugutom? Na gusto mong magmahal na parang di ka takot? Paano kung gusto mo pa ring baguhin ang mundo sa paraang alam mo?

Makikinig ka pa rin ba sa mga mas nakakatandang nagsasabing–Hindi mo alam ang ginagawa mo.

At kung sasabihin mong–Hindi mo ako naiintindihan.

Tapos sasagot silang–Nanggaling na kami diyan.

Darating kaya uli ang pagkakataong sasabihin mong “Ito pala ang pakiramdam ng mga mas nakakatanda sa’kin noon na nagsasabing– nanggaling na kami diyan”?

 

8 thoughts on “Nanggaling na Kami Diyan

  1. Hmnb, maraming beses nang dumating sa akin na nasabi ko sa sarili kong “Ito pala ang pakiramdam ng mga mas nakakatanda sa’kin noon na nagsasabing– nanggaling na kami diyan”?🙂 Tapos ngayon, ako na ang nagsasabi ng linyang yan sa mga pamangkin ko hehe

  2. Hi Sis! Miss kita at sana bumalik ka dito sa Cebu kahit ilang araw lang. haha.😀

    Ang weird mag mature na di ko kayo kasama. haha. Pero eto yung masasabi ko sa post mo… kaya naman natin, di ba? Yung, “we can change the world attitude” yung bumubuhay sa atin eh. Yung tipong, sige, di ko pa afford pumunta ng Africa para magpakain sa mga bata (O sa case ko, di ko pa kayang pumunta ng India para mag-alaga ng mga tigre) Pero okay lang naman yun eh, kasi papunta pa tayo dun.🙂

    Yung tipong, hindi isang baranggay ng mga bata pinakain mo, pero may napasaya ka na batang kalye ng binigyan mo sya ng extra mo na tinapay, O yung tatang na alam mong pagod na sa kahihingi ng barya, tapos bigyan mo ng mainit pa na kanin tsaka ulam na talagang binili mo para sa kanya, at makita mo na talagang tuwang-tuwa sya sa maliit na bagay na ginawa mo…yung mga maliliit na bagay na yun kasi ang super sincere na alam mo kahit sandali, may tao ka na napatuwa maliban sa sarili mo.🙂

    Siguro hindi kailangan na isang barangay ang pakainin natin. Siguro para tayo dun sa mga tao na di pinapansin ng mundo. Kasi di naman kailangan na malalaki na bagay para masabi natin na we changed the world eh.

    So nanggaling na tayo dun sa sobrang malalaking pangarap, sa sobrang madramang buhay. Yung atin, totohanan na to eh. At yung totoo, tinatanggap natin na di natin magawa ang sobrang malalaki, pero di natin sila talagang iniiwan. Ang fulfilling ng maliliit na mga bagay na ginagawa mo para sa iba. Di kailangang malaki o engrande. Isang araw, maintindihan din nila yun. Tapos sasabihan natin sila ulit…nanggaling na ako dyan.😀

    • katrina says:

      Sis, pwedeng post na tong comment mo. =) nanggaling na ako.. nanggaling na sa blog mo. heheh. Followede your blog(again? kasi parang na-follow ko na siya last time?). I agree with you… yung kahit sa isang bata lang, kahit sa isang matandang walang makain..at least, even if we can’t make a difference to many.. we can make a difference for that person. I miss you sis..we were in Cebu two weeks ago and in Mindanao last week. heheh. hindi nagkasalubong. ^__^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s