Hate that I Love You

Gusto ko lang sabihing hindi ko nakita ang sarili ko sa isang long distance relationship. Kasi wala lang. Parang hindi ko lang talaga ma-imagine na may nang-iiwan sakin kasi ako yung nang-iiwan. May ganun? Ahahah. Ibig kong sabihin, ako palagi yung napapalayo, kasi nga nung college, kailangan kong pumunta ng Iloilo para dun mag-aral. Tsaka after college,  Cebu naman ang destinasyon ko para maghanap ng adventure tsaka trabaho.  Andami kong explanation!

Tsaka ayoko din sa mga medyo pa-mysterious kasi nga akala ko talaga gusto ko yung kasing kulit ko. Tapos yung mga pa-mysterious kasi parang suplado. Alam mo yun? Tapos kailangan mo pang tanungin kung ano ang iniisip nila. Tapos yung sagot, wala.

Tsaka ayoko rin sa mga medyo matangkad kasi lumiliit ako. Diba nga sabi ko sa’yo noon, wag kang masyadong tumabi sa’kin kasi na-eemphasize ang height natin. Good for you. Bad for me.

At higit sa lahat, ayoko sa lalaking masyadong inclined sa math, yung mga engineering students lalo na. Kasi hindi ako nakakarelate, promise.  One time, merong guy sa cebu na nakilala ko. Sa totoo lang, ang weird nung meet up namin. Sa Greenwich yun, tapos kasama niya yung ate ng classmate ko so nag-hi ako sa table nila. Palitan ng numbers. The next days, nagtanong na siya kung pwede kaming magkape. Sabi ko, ok lang. Sa fully booked kami nagkita. Nagtanong siya kung sino yung binabasa ko. Sabi ko, lately, Murakami. So nagtanong din ako; eh ikaw?  Tomassi daw(hindi ko nga alam yung spelling eh). So nag follow up question ako, ano yung sinusulat niya? Alam mo ba yung sagot niya? Engineering books. Engineering books! Huwat?!  Ang weird.😄

Higit sa lahat, ayoko sana sa’yo. Ayoko  talaga sana sa’yo. At meron akong 2 pages sa journal ko na nagsasabing “I hate you”. Nag-pray pa nga ako na sana hindi na kita makilala pa ang lubusan.  At ang makaka-explain lang kung bakit ay ang topak ko at ang pride kong magaling. hahah. Pero alam mo yun, God didn’t answer my prayer. Hinayaan Niyang makilala pa kita. Hinayaan Niyang makausap kita palagi at malaman kung sino ka talaga.

At sa bandang huli kailangan kong aminin na…kahit andaming dahilan para sabihin kong ayaw ko sa’yo, mas maraming dahilan kung bakit gusto kita. At  di mabilang na dahilan kung bakit mahal kita.

1546028_10200456544896178_430494697_n

 

11 thoughts on “Hate that I Love You

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s