Kwento ng Ibong Lumipad sa Ulap,Buwan,at mga Bituin.

May dalawang ibon
Sa isang hawlang bukas.
Araw araw silang kumakanta
Ng kundimang inihip ng hangin.

Pero minsan..ibang awit
Ang narinig ng babaeng ibon
Tungkol sa ulap, buwan at mga bituin.
Unti-unti,minahal niya ang awitin.

Kaya gabi-gabi niya itong inaawit
Hanggang kanyang napagtantong
Ito’y  isang malungkot na kundiman
Tungkol sa isang nilalang
Na hinahanap ang tahanan
Sa ulap, buwan at mga bituin.

Isang araw nagtanong
Ang lalaking ibon
Bakit? Bakit ang lungkot
Ng awiting kinakanta mo?

Dahil gusto kong hanapin
Ang tahanan para sa’kin.
Nasaan ba ang tahanan ko?
Tanong ng babaeng ibon.

Sabi naman nung isa…
Hindi mo ba nakikita?
Tignan mo ang paligid mo,
Nandito ang tahanan mo.

Hawla? Saan ang tahanan dito?
Nakakalipad tayo.
Hindi kaya?
Ang ulap, buwan at mga bituin.
Ang tahanan
Ng tulad natin?

Dito ang tahanan mo.
Malungkot na sagot ng lalaking ibon.
Kung kaya’t hindi na kinakanta
Ng babaeng ibon ang kundimang iyon.

Ngunit gabi gabi siyang umiiyak
Kaya sabi nung kabiyak…
Malaya ka
Na hanapin ang kasagutan
Kung nasaan ang iyong tahanan
Sa mga ulap ba buwan o bituin.

Di nagdalawang isip
Na lumabas ang isa sa hawla
At sa sobrang saya niya
Di niya narinig ang kundimang
Inaawit nung isa.

At buong araw siyang lumipad.
Sa ulap.
Sa buwan.
At bituin.

Mga masasayang kanta
Ang maririnig sa kanya
Hanggang sa naalala niyang
Wala pang kasagutan
Sa kung saan ang kanyang tahanan.

At tinanong niya ang mga ulap.
Ngunit walang sagot ang mga ulap.
Tinanong niya ang buwan.
Ngunit walang sagot ang buwan.
At tinanong niya ang mga bituin.
Ngunit walang sagot ang mga bituin.

At naisip niya…
Alam kaya niya ang kasagutan?
Kung nasaan ang aking tahanan?
Kaya’t bumalik siya sa hawlang bukas

Ngunit wala na roon
Ang lalaking ibon
Ang tanging naiwan
ay isang kundimang
Inihip ng hangin.

Tungkol sa isang ibon
Na umalis para hanapin
Ang tahanan niyang lumipad
Sa ulap, buwan at mga bituin.

Posted from WordPress for Android

2 thoughts on “Kwento ng Ibong Lumipad sa Ulap,Buwan,at mga Bituin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s