I Fell inlove with a Churchmate (Part 1:Where Do Broken Hearts Go?)

Where Do Broken Hearts Go?

May narinig akong nagsabi noon na pangit daw ilagay sa acknowlegment ng thesis mo ang pangalan nung partner mo kasi what if mag-break kayo tapos forever na yan sa thesis mo. Pero ganun talaga eh. Hindi kaya ng isang writer (kuno) na hindi sumulat tungkol sa taong mahalaga sa kanya.

Susulat at susulat ka tungkol at para sa taong mahal mo o taong minahal mo. Kaya heto, susulat ako tungkol at para sa taong mahalaga sa’kin ngayon.  =) Totoo nga siguro yung sinasabi nilang..”If a writer falls in love with you, you can never die…” Susulat at susulat talaga  sila tungkol sa’yo.

Ako yung tipo ng tao na nahihiwagaan sa pagbabago, changes, metamorphosis. Para nga sa’kin ang weird nung mga messages na “Wag ka magbabago ha?”. Kasi hindi naman lahat ng pagbabago masama. Para sa’kin kapag may pagbabago, may growth, may improvement, may version 2.0.

Kung natatandaan niyo pa, bumalik ako ng Bacolod kasi ang sagot ko sa tanong na “Where do broken hearts go?” ay hindi Sagada kundi Bacolod. heheh

Sa natatandaan ko, una kaming nagkita uli sa isang coffeeshop dito sa Bacolod. Bob’s Cafe. Kape session with churchmates. Hindi ko na talaga matandaan kung anong mga pinag-usapan sa coffeshop, basta tinutukso kami  at humantong sa pag-hatid niya sa’kin sa bahay namin, na hindi talaga sa bahay namin kasi nag-blog pa ako.  Kaya hinatid niya ako sa internet shop. hahah.

Habang naglalakad kami… narealized ko na malaki yung pinagkaiba niya sa nakilala kong siya noon. 5 years na kaming magkakilala. First year college pa ako noon at siya ewan. Sa isang leadership camp ng church namin. Pag nagkikita kami noon, palagi ko agad naiisip na magbalita sa kanya. Kasi para sa’kin, isa siya sa mga kaibigang dapat kong i-update.  hahah. Kasi sa Iloilo ako nag-school,at nagtrabaho sa Cebu, habang siya naman, nag-OJT sa Baguio tsaka Laguna. Kaya kapag nagkita kami pareho kami niyan ng lines “O kat/him, kamusta na ang insert name of place kung asan galing”

Magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Nung nagkita kami uli, magaan pa rin ang pakiramdam ko sa kanya pero iba siya nung gabing yun. Hindi na siya yung dating siya. Sa pagka-alala ko kasi sa kanya, siya yung  tipong hindi kikibo. Yung ok na nasa tabi.  Nagbago siya. At gaya ng sinabi ko, hindi lahat ng pagbabago, masama.   Hindi ko akalain na ganun pala yung nagagawa nang 5 years o nung 5 years na hinayaan mong mag-mature ka.

Mas confident, mas mature, mas malapit kay Papa God. =)

Nasa waiting stage kaming dalawa. Bakit? Kasi naniniwala siyang ang tunay na lalaki, marunong maghintay.   Ako naman, binigyan ko muna ng panahon ang puso ko para magpagaling. Acheche. Ang arte ko! At may kanya-kanyang season naman talaga ang lahat ng bagay ganun. May season na mahal mo pero di ka mahal, mahal ka pero di mo mahal, mahal niyo ang isa’t isa pero mali ang timing, at season na pinipili mo lang na ayaw mo munang magmahal. Ay may ganun?!

Pareho kaming nasa waiting stage. Parehong single. Kaya palagi kaming tinutukso. Na-aappreciate ko talaga ang pagiging leader niya pero no, no pa sa’kin kasi nga naghihintay.

Fast forward, sa isa pang coffeeshop sa Bacolod, mga 5 months later, tinutukso na naman kami ng mga friends namin.

“Kapag matalo ka sa larong ‘to, liligawan mo si Kat”;   Patuksong sabi nung kasama namin. Naglalaro kami ng Monopoly.

” Ayoko nga” biglang sabi niya.

“Ay loko to ha! Ang choosy! Ang cute-cute ko kaya! You don’t do that to me! ang drama ko. hahah.  Kaya I decided na kung anumang appreciation ang nasa isip ko para sa kanya.. kalimutan ko na. And for a while, I hated him…

To be continued… :3

Picture sa coffeshop kung saan kami naglaro ng Monopoly. He won.

Picture sa coffeshop kung saan kami naglaro ng Monopoly. He won.

To every thing there is a season, and a time to every purpose under the heaven:

 A time to be born, and a time to die;

a time to plant, and a time to pluck up that which is planted;

A time to kill, and a time to heal;

a time to break down, and a time to build up;

A time to weep, and a time to laugh;

a time to mourn, and a time to dance;

A time to cast away stones, and a time to gather stones together;

a time to embrace, and a time to refrain from embracing;

A time to get, and a time to lose;

a time to keep, and a time to cast away;

A time to rend, and a time to sew;

a time to keep silence, and a time to speak;

A time to love, and a time to hate; a

time of war, and a time of peace.

Ecclesiastes 3:1-8

One thought on “I Fell inlove with a Churchmate (Part 1:Where Do Broken Hearts Go?)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s