I Fell inlove with a Churchmate (Part 2: No One Can Say No To A Penguin)

No One Can Say No to A Penguin

Marso 2013. Birthday ng youth pastor namin. At hindi naman siya yung tipong nagce-celebrate nung birthday tsaka di din siya mahilig sa kung anu-anong gamit.  Kaya wala talaga kaming maisip na ibigay sa  kanya.

Ano nga ba yung dapat binibigay sa mga pastor? Bibliya? Meron na siya nun eh. Bracelet na may W.W.J.D? Youth pastor siya hindi bata.  Kapayapaan?? Uhmmm. So ayun, naisip naming magbigay ng penguin. Oo. Penguin.

Since hindi kami maka-afford ng tunay na penguin at illegal din ata ang magkaroon ng pet na penguin at mamatay lang yun sa Pinas(andaming explanation!) Bobo doll na lang na penguin. Heto yung mga dahilan kung bakit  Penguin ang regalo namin:

  1. No one can say no to a penguin. Sino ang makakatiis sa cuteness nung penguin? At, naka-tuxedo kaya palagi ang penguin!
  2. Kapag sobrang pasaway kami kay youth pastor, pwede niyang pagalitan yung penguin. Pwede pa nga niyang batukan, sapakin, at ihagis.  Nakaka-relieve ng stress!
  3. Wala talaga kaming maisip na ibigay sa kanya.

At ayan . Pa-picture kami ng pa-picture sa nabili naming  penguin. Ayan oh!  Ang cute-cute namin, este nung penguin. =)

Happiness!

Happiness!

301662_4710626213023_1679774230_n

Aggresiveness!

Yung reaction ni youth pastor ? Tumawa lang. At pag-explain namin ng mga rason. Tumawa  pa rin.  At siyempre, may chocolate cake na handa para sa kanya, may mga kandilang pa-baby yung colors(baby pink tsaka baby blue, lavender, mga ganun), at may pizza pa, at mga confetti at fireworks at banda (alams na ang gumagawa ng kwento).

Anyway, may meeting  to be led  by alam-niyo-na-kung-sino(hindi si youth pastor kasi nagregalo din kami ng kapayapaan sa kanya, konting rest, ganun) after nung celebration.

Sobrang naaaliw ako sa penguin na siyanga pala, pinangalan sa kanya.  Kung bakit? Nakalimutan ko na. Basta may nametag na  “Marlon” ang  penguin.  Sobrang naaaliw ako na hinahagis-hagis at sinusuntok-suntok ko habang  seryoso naman  sa meeting yung   totoong Marlon. Siguro dahil iniisip kong sana si Marlon na lang to. Ang sarap ihagis at suntukin!

Tapos biglang: “Ssssshhhhh!” saway ni Marlon sa’kin. Hindi yung penguin. Yung tao.

At heto ang mukha ko after  niya akong sawayin. Kawawa . Napa-hug na lang sa penguin thinking na gagawin ko na lang kakampi si Marlon. Hindi yung tao. Yung penguin.

cuteness tsaka katness. =p

cuteness tsaka katness. =p

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s