Hindi Pala Siya Si Pag-ibig

Nung limang taong gulang ako;
Sabi ko…
Makikilala ko kaagad si pag-ibig.
Siya marahil ang may isang box ng crayola,
Naka ternong shorts at polo.
Ang ipagtanggol ako sa isa pang batang kumagat sa’king braso.
Siya ang Joseph sa nakalimot sa kanyang linya nung Pasko.
 
Pero hindi pala siya si pag-ibig.
Nalaman kong hindi siya si pag-ibig nung lumipat siya sa ibang eskwelahan.
At ang umaasa’y naiwan. 

Si pag-ibig pala yung box ng crayola.
Pinagmulan ng kulay ng pusong nanamlay.
Siya pala yung ternong shorts kung ako ang polo;
At katernong polo kung ako yung shorts.
Siya pala minsan yung masakit na kagat sa aking braso.
Siya ang mga linyang ayaw kong limutin.

Nung labing dalawang taon ako.
Sabi ko…
Makikilala ko kaagad si pag-ibig.
Siya yung palaging may sagot sa tanong ng guro.
Siya ang may pinamakintab  na sapatos.
May dalang panyong kulay asul, puti, o itim.
At ang marahil tinutukso sa’kin.

Pero hindi din pala siya si pag-ibig. Narinig ko sa mga bulung-bulungang– iba pala.
Iba pala ang gusto niya.

Si pag-ibig pala minsan ang sagot.
Kadalasan siya ang tanong. 
Siya pala ang sapatos na sa aki’y magdadala.
Siya ang panyong papahid sa mga mga luha ng aking mga mata.

Nung labing-anim na taon ako;
Sabi ko…
Makikilala ko kaagad si pag-ibig.
Akala ko siya ang palaging may dalang gitara.
Ang kayang umawit ng mga kanta ng mga sikat na banda.
Yung tipong magsasabing sabay nating hintayin ang  paglubog ng araw.
Ang magtatanong kung pwede ba kitang makasayaw.

Pero hindi pala siya si pag-ibig.
Dahil alam kong may iba siyang kasama sa paglubog ng araw.
At sa iba nakatitig, habang ako ang kasayaw.

Siya pala ang gitara na hahawakan ng aking mga kamay, na pakikinggan ng aking puso.
Si pag-ibig pala ang araw na hahalik sa’kin sa umaga.
Ang sayaw na sasabayan ng aking mga paa.

Nung labing-walong taon ako;
Sabi ko…
Makikilala ko kaagad si pag-ibig.
Siya marahil ang nakakakilala
Sa makatang si ganito, ganun.
Siya ang magsasabing,
“Pareho pala tayo ng paboritong kanta”.
Marahil siya ang kasama sa aklatan.
May ginagawang thesis o may pinag-aaralan.

Hindi pala siya si pag-ibig dahil magkaiba ang pangarap namin.
Dito ako. Doon siya.
Dito siya. Doon ako.
Iiwan ako.
O ang mang-iiwan ay ako.

Siya pala ang makatang babasahin.
Siya ang kantang pakikinggan, iiyakan.
Siya ang aklat na mamahalin.
Siya ang thesis na pagpapaguran. Pagpupuyatan. Pag-aaralan.

Marahil. Baka. Akala.
Hindi ko talaga alam sa totoo lang.
Akala ko kung makikita ko siya,
Makikilala ko na.
Mabibigyan ng pangalan ang mukha.
Mabibigyan ng mukha ang pangalan.

Akala ko siya na.
Hindi pala.
Ang pangalan pala ni pag-ibig ay may mukha.
Hindi kanya.
Ang mukha pala ni pag-ibig ay may pangalan.
Hindi siya.
Ang mukha ay iyo.
Ang pangalan ay ikaw. #

image

–Nakuha ko yung picture sa internet. heheh. Nakasulat uli akong tula matapos akong ma-inspire ng mga napanood kong Spoken Poetry videos ni Sarah Kay at Phil Kaye  tsaka kay Rico, na kaibigan ni Jigs sa On the Wings of love. Oo, ako na ang fan. heheh. Kung may pagkakataon akong sambitin ang mga kataga dito, gagawin ko talaga. hahah.

Para ito sa mga nag-akala. Para sa mga nagkamali ang akala. Para sa mga naghahanap pa ng pag-ibig. Para sa nakatagpo na. Para ito sa’kin. At para din sa’yo. =)

4 thoughts on “Hindi Pala Siya Si Pag-ibig

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s