Balik Alindog Program

Sinubukan kong mag-jogging kahapon kaya sobrang nakaka-proud. hahah. Take note, si-nu-bu-kan.😄

Palagi ko kasing sinasabihan ang sarili ko na “Tatakbo na ako bukas!” At kinabukasan, yan pa rin ang sinasabi ko sa sarili ko.  Kasalanan ni Santino to eh, na pa-ulit ulit na pinapa-alala sa’king may bukas pa.

Naka-isang subok pa lang ako sa pagtakbo at umikot sa lagoon ng park namin, gusto ko na agad sumuko. Parang ikaw, isang subok pa lang sa pag-ibig, sumuko na agad. Acheche. Joke lang, baka sumbatan ako ni ex kasi–aynaku, ‘wag na nating pag-usapan.😄

Moving on(no pun intended),dahil nga parang hapong-hapo ako sa pagtakbo, nag-zumba na lang ako. Sayaw-sayaw, kembot-kembot, at giling-giling muna peg ko. Pinawisan na ako, ka-vibes ko pa sina lolang naka sleeveless, crop top at colorful stockings. Yihee!

Binago ko na ang statement ko para mas effective. “Magjo-jogging na ako ngayon!” Kasi may kasabihang , “Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi ako, sino?” Hindi ako sure kung para yan sa pag-exercise,  pero pwede na rin. hahah

image

Lavender kasi maarte ako at buko juice kasi anlayo ng bilihan ng tubig. hahah

7 thoughts on “Balik Alindog Program

    • katrina says:

      ate salbe!!! =) isa lang naman yung ex ko.hahah. naku, naku, ako yung may kasalanan dun. heheh. may pinuntahan ako nung november 22-26, sa mt. kanlaon. ^_^ sa january 27-30, nasa maniley ako!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s