I Think I Wanna Marry You

Nabasa ko sa librong sinulat ni Donald Miller na “A Million Miles in A Thousand Years”  na kapag malungkot na kwento daw ang binabasa mo o pinapanood mo, magtatapos ito sa isang libing, habang kapag masayang kwento naman, magtatapos ito sa isang kasalan. Nakakatawa diba? Kasi bigla mong malalaman na ang kasalan pala, does not feel like a happy ending, but a happy beginning.

Sa mga pelikula, biglang pagkatapos mag-propose ng isang lalaki, didiretso na sa kasal ang susunod na scene. Didiretso na sa parteng naglalakad ang babae sa aisle, tapos tinititigan siya ng groom na para bang hindi na nag-eexist pa ang ibang tao sa paligid. Didiretso na sa “You may kiss the bride”. Tapos kakain ng cake(Favorite part? hahah)

Tapos bigla mong malalaman, na ang daming pwedeng mangyari mula sa engagement hanggang sa kasal. Na ang ang isang cut sa pelikula, ay pwedeng maging isang taong paghihintay sa tunay na buhay. Na sa isang taon, magtatalo pa kayo kung saan ikakasal, kung anong klaseng kasal , o kung matutuloy pa ba ang kasal. Kasi minsan, maarte talaga ang bride, lalo na kung siya’y supermodel at artistang tulad ko.😄

Kung pagbabasehan mo uli sa pelikula, parang palaging may tutol sa kasal, mga matapobreng magulang, mga bitter na ex, at ang mapagbirong kapalaran.

Pero sa tototong buhay, pwede palang nandyan ang mga magulang at kamag-anak na excited din tulad mo, mga kaibigang handang magplano, mga classmates na dadalo, mga kaibigan ng fiance mo na sumusuporta ng todo, mga ninong at ninang na handang tumulong at gumabay sa inyo, pastor na may mabuting paalala sa inyo at ang Maykapal na siyang sumusulat ng isang matamis na kwento.

Para sa’kin, yun ang pinakamatamis na parte ng isang kasalan, ang magkaroon ng oportunidad na gumawa ng pangako(sa harap ng Maykapal at mga taong mahalaga sa inyo) sa isang tao na siya na yung mamahalin mo hanggang sa pumuti na ang buhok, mabungi ang mga ngipin, at kumulubot ang balat niyo.  Mangangako kang wala ng “Ipad” kundi “WePad” na, at wala ng “Iphone” kundi “WePhone”, na wala ng selfie kundi couplies(?) na, na ita-tag mo siya sa lahat ng Facebook post mo. At lahat ng mga kayamanang naipon mo ay ihahati mo na sa kanya. Oo, lahat-lahat ng pisong ninakaw ko sa nanay ko ay kailangan kong ibigay na rin sa kanya. Huhuh.

Sa madaling salita, ang pinakatamis na parte ay ang oras na sa biyaya at awa ng Diyos, bigla mong mapagtantong wala ng “ikaw”, wala ng “siya”. Ang meron na lamang ay “kayo”  o kaya’y… “tayo”. =) 13346272_10204699403724997_6231158526127633051_o

 

3 thoughts on “I Think I Wanna Marry You

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s