This Is Me Trying to Write

Nasabi ko na ba  kung paano ko na-realize na marunong akong sumulat?  O kung paano ko nalaman na gusto ko pala magsulat?Yan na introduction ko.

Sigurado akong kung honor student ka (ehem, pa-simpleng  yabang)  nung elementary, naranasan mo rin yung mga tagpong wala kang ka-alam alam tungkol sa isang bagay pero ikaw pa rin ang pinadala sa isang contest.  Yung tagpong dadaan si principal, tatayo ang lahat sa klase at sabay na magsasabing “Good morning visitor”.  Tatawagin si teacher ng sandali ni principal , tapos mag-uusap sila sa pintuan banda,  o sa likod kung saan nandun ang mesa ni teacher na pwedeng kulay brown o naka-cover ng gift wrapper, tsaka may plastic cover . Tapos, kapag nakaalis na si principal, may announcement si teacher, na malamang ay tungkol sa kung sino ang paparusahan sa nabasag na jalousie window ng isang classroom; o kung magkano ibabayad sa isang garden project; o kung sino ang ipapadala sa contest(kinabukasan).

At nabanggit ni teacher na ako daw ang bahala sa feature writing na sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam.  Akala ko nga nung una ay “Picture Writing”. Oo na, pa-bibo ako. Hahah. Seryoso, akala ko talaga picture writing kasi sa contest magsulat daw kami tugkol sa lalaking nasa picture.  Kaya ayun, nagsulat ako tungkol sa lalaking may hawak na biskwet sa kanang kamay at pera  sa kaliwa. Kung ano ang sinulat ko ay hindi ko na matandaan.  Kung paano ako nanalo ng seventh place ay hindi ko na alam.

Merong series ng seminar tungkol sa  feature writing pagkatapos nun, na hindi ko masyadong na-absorb kasi excited ako sa part na magsasalita na tungkol sa “cartooning”  kasi nga cartoons.

Nagkaroon lang ako ng ideya nung isa sa mga classmate ko sa training ay nag-explain kung ano yung feature writing. Sabi niya ang feature writing ay parang nagsusulat tungkol  sa isang tao, bagay, pangyayari sa napaka-interesanteng paraan. Example daw  ay kung magsusulat  ako tungkol sa sapatos.  Dapat ipaalam ko sa mambabasa kung ano ba ang interesante sa sapatos na ‘to. Ano ang kulay? Ang size?  Para saan? Bakit siya importante? At sa totoo lang ay yun din ang tanong ko, bakit nga ba importante ang sapatos??

Gusto ko lang  talagang magsulat ngayon kasi natatakot akong makalimutan ko kung paano magsulat which I really love. Kahit pa sabihin ng  iba na you never unlearn things like writing.  Ewan ko lang kasi you can actually  unlearn loving someone which is more difficult than to unlearn some things. Ay teka, ano pinagsasabi ko?( James Reid and Nadine Lustre sa background: Wala nang bawian, mamatay man…Delete no erase).

Example ng Feature Topic: Bags(Mahilig ba ako sa Bags? Hindi. Marami ba akong  alam tungkol sa bags?  Wala rin.) 

Bags: At Kung Paanong Hindi Nakakatulog Ang Iba Dahil Dito 

Sobrang masaya ako na nakabili ako ng “Parisian” Bag na binili ko talaga dahil sa quality nito at hindi dahil sobrang fan ako ng Jadine at inaabangan ko kung ano ang ini-endorse nila. At kung  ano man ang ini-endorse nila ay binibili ko.  Yup, hindi ako yung tipong bibili ng Nestle Yogurt kahit mas mahal siya sa Creamy Delight Yogurt  kasi nga Jadine ang nag endorse. Ni hindi ko nga alam  na  endorser sila ng Smart, Jollibee,  Bench, Cherry Mobile, Coke, Sony, Milano at Parisian. As in, at hindi ako yung tipong  magko-comment sa  video endorsement sa fb ng “Ay? Bakit wala po si Nadine? I buy Parisian just because of Nadine.”

Brand? Parisian. Kulay ng bag? Black. Design? Backpack. heheh. Basta yun.

Sobrang saya ko talaga na nakabili ako ng murang bag. So I end up sharing sa hubby ko kung bakit gustong gusto ko ang bag.  At this point, gusto ko lang ipaalam na ang “giving” ang love language ng hubby ko.  Hindi siya nahihiyang tumambay ng Victorias Secret Shops at makipag-agawan ng naka sale na boyshorts kasi napansin niyang mahilig akong manghiram ng boxers sa kanya.  Nung nalaman niya kung gaano ko kagusto ang kumain ng chocolate,  nagpa dagdag siya ng ilang kilos sa baggage niya solely para sa chocolates.  At yung sa bag? Sabi niya may nakita siyang naka-sale na bag, baka daw balikan niya.

Brand: Steve Madden. Kulay ng bag: Pink. Design? Backpack. Kayo na bahala mag-imagine ng  isang six-footer, muscly-guy na bumibili ng pink backpack sa isang boutique.

Medyo hindi ako makatulog nun kasi medyo na overwhelm ako talaga sa pagiging thoughtful ng hubby ko. Pero this is not the first time na hindi ako makatulog dahil sa bag.

To badly describe my profession, I’m the one who tells you the cliche “We’ll call you, don’t call us”. So isa sa mga nag-apply sa’ming organization ay isang nanay na parang 40 plus, naka tsinelas, maraming kalyo ang kamay,  may medyo fading na red manicure yung kuko niya, tapos meron siyang dalang hand bag.  Sa totoo lang,  at first glance, alam ko na hindi para sa kanya ang trabaho pero nag-interview pa rin kami. Hindi maalis yung mata ko sa bag. Hand Bag na may parang fur ang design,marumi na, yung tipong galing sa pinaka-ilalim ng ukayan(Tip: Wag bumili ng something na may fur o something na puti sa ukayan, at siyempre, huwang bumili ng undies sa ukayan!) tapos hindi nalabhan, o yung tipong tinapon  sa basurahan.

Seryoso, that night, andami kong naisip like meron akong extra bag na baka pwede kong ibigay sa kanya, sabihin ko lang na may pa-raffle para sa mga aplikante at nanalo siya.   O kaya naman,  magpundar ako ng foundation who accepts dedsigner bags na pwedeng ipamigay sa mga homeless. Pwede nilang gamitin na parang payong kung umuulan.  O maging motivational speaker specifically tungkol sa bags na pwedeng dalhin sa interviews. Kaya lang, Mahilig ba ako sa Bags? Hindi. Marami ba akong  alam tungkol sa bags?  Wala rin.

*End of Feature About Bags 

So yan ay hindi talaga example ng feature, pero kung paano ko na-realize na marunong akong sumulat, nanalo akong 5th place sa Regional Schools Press Conference. At nung nanalo ako ng 2nd sa National, doon ko na realize na gusto ko ata ang pagsusulat. =) So paano ko tatapusin to? Kaka-pressure kasi sabi nila dapat maganda yung conclusion, at hindi dapat matatapos lang bigla na tulad nito.

Advertisements