Galeriya

The Prestige

Nirekomenda sakin ng isang third year Psych ang pelikulang “The Prestige” na ang direktor ay si Christopher Nolan at pinagbibidahan nina papa Christian Bale at papa  Hugh Jackman. At dahil alam kong matalino ang nagrekomenda, talagang pinanood ko ang pelikula at siyempre dahil na rin crush ko sina papa Christian at  Hugh(parang ice cream lang na 2 favorite flavors in 1). Bukod pa dun, matapos kong mapanood ang “Inception” at “Dark Knight” naging idolo ko na si Nolan kahit isnabin pa siya ng mga kung anu-anong awards night.

Ang “The Prestige” ay tungkol sa kompetisyon ng dalawang magician noong 19th century, na sina Robert Angier(papa Hugh) at  Alfred Borden(papa Bale) na nagbunga ng kung anu-anong kotrobersya at sakripisyo. Nagsimula ang kompetisyon ng magkamali si Alfred sa isang magic trick at naging dahilan ng pagkamatay ng asawa ni  Robert(spoiler alert).

null

Parang palagi akong nagugulat sa pelikula dahil una, tungkol sa magic ang pelikula kaya dapat magulat ako at andaming unpredictable na kaganapan sa pelikula(bagay na maaasahan mo sa Nolan Movies).  Dahil na rin sa mga nangyayari kay papa Hugh at Bale, at mga ginagawa nila para lang makapaghigante sa isa’t isa, parang nasasaktan ako(nag-aaway ang dalawang papa eh). Parang hindi ko alam kung kanino ako dapat kampi dahil ang galing nilang mag-act na kontrabida sa buhay ng isa’t isa.

Para maungusan ang isa, gumagawa ng paraan ang isa upang masabotahe ang  mga performance nila , at nag-iisip sila ng mga tricks at ilusyon na hindi pa nakikita ng mundo, hanggang sa naging obsesyon nila ito. Sa huli, kaninong, mahika ang magwawagi? At ano ang kabayaran para sa mahikang magpapahanga sa mundo?

Parang nakasentro ang pelikula sa nagagawa ng kasinugalingan,mga lihim at kung paanong ang galit ng tao ay parang isang cycle.  Kapag nagalit ang isa, kailangang makapaghigante ng isa, na magiging dahilan naman ng galit ng isa at paghihigante, hanggang sa hindi na sila makawala sa obsesyon na makitang masaktan at makapaghigante sa isa’t isa.  Hanggang saan nga ba tayo dadalhin ng galit natin?

Higit sa lahat,ano ang kaya nating isakrispisyo para mapaniwala natin at mapabilib ang mga taong nanonood sa entablado ng ating buhay?

Ang echos ng rebyung ito.Huwag niyo ng pansinin,  ito ang ginagawa ng taong busy-busyhan. XD

null

Advertisements