Galeriya

Overrated Topic: Tama ka, tungkol na naman sa lablayp. ^___^

Kung tatanungin ako, tungkol sa pag-ibig ngayon, kasing confused ako ng batang si Kat noon.

Hindi ako yung batang binabasahan ng fairytales ng mga magulang, pero maraming comics sa bahay noon, tungkol kay Pocahontas, Lion King, The Sock Monkey at kung anu-ano pa na binabasa ko naman. At marami ding libro na nasa wikang filipino(na sa palagay ko ay mga aklat ni mama nung college) na nagkalat at nag-enjoy naman akong basahin. At maraming kwento dun na tungkol sa pag-ibig.

Kaya lumaki ako na naniniwala sa fairytales. Lumaki ako na nininiwalang pwede ang mga happy endings.  Lumaki ako na naniniwala na lahat ng batang babae ay prinsesa. At ang korni-korni ko mang pakinggan at napaka-tradisyunal, at napaka-closed minded siguro, naniniwala ako sa purity before marriage. Yun talaga paniniwala ko, walang basagan ng trip.

Para sa batang iba ang nababasa sa nakikita sa totoong buhay,  napaka-confusing ng lahat-lahat. Kaya nung lumalaki ako, hindi ko alam kung nanatili akong single dahil sa paniniwala kong dapat hintayin ang taong mamahalin ko, o dahil takot na takot lang talaga akong masaktan(acheche!)

Dalawang beses lang ako na-inlab. Yung una, sa lalaking nagturo sa’kin ng gitara, ang bestfriend ko, ang kayang makipagkwentuhan sa’kin hanggang 4 am. Pero napakalayo ng paniniwala namin, ng mga prinsipyo namin, at napaka-complicated pala naming dalawa. At naging sila ng kaibigan kong babae habang na-confused ako kung minahal niya ako o hindi. Ouch. Napakasakit kuya Eddie. Hahah.

Ang pangalawa naman. Ang taong napapatawa ako ng sobra-sobra at walang ka-effort-effort.  Ang taong umiyak ng sabihan kong gusto ko din siya. Ang taong nagharana sa’kin ng paborito kong kanta pero mas alam ko kung paano gitarahin kesa sa kanya. hahah.   Ang kina-iingitan ko dahil  madali para sa kanya ang sumulat habang ako nama’y nangangapa pa.  Basta, natutunan kong maging cheesy  dahil sa kanya. Pero minsan talaga hindi ganun kadali ang happy ending?^^

So ayun. Kung tatanungin niyo kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. Simple lang.  Wasak ako ngayon. At ayoko na habang inaalam ko pa kung ano talaga direksyon ko sa buhay ko at anong gusto ko, merong taong nag-aalala kung ok lang ako  at anong problema ko.

Sa madaling salita, gusto ko maging buo muna ako bago ako mag-commit sa isang bagay na alam kong importante sa’kin. Hindi kasi ako naniniwala sa “You complete me”.

Dapat buo ka muna, bago mo ibigay sarili mo sa isang tao. Kasi kung hati siya, at hati ka din, at magsama kayo, hindi kayo buo, dalawang hati lang at hindi pa pantay ang pagkakahati. At mag-iisip kayo at gagawa ng  paraan kung paano maging match at maging buo. Tapos mararamdaman niyong hindi kayo naging buo dahil sa isa’t isa, naging dalawang hati lang. Ang gulo?

Kaya sa taong mamahalin ko, sa taong  itinakda para sa’kin.

Stand by ka lang diyan. Hindi ko alam kung sino ka pero ang alam ko ikaw ang itinakda ng Panginoon para sa ‘kin. Maghihintay ako sa’yo at sana ganun ka din. Gusto kong malaman mo na wasak ako ngayon kaya siguro hindi pa tayo pinagtatagpo talaga. Gusto kong malaman mo na nasa proseso ako na kinikilala ko ang sarili ko, binubuo ko ang sarili ko, hinuhubog ng “Potter’s Hand” para mas maging mabuting tao at karapat-dapat para sa’yo.

Basta stand by ka lang diyan. Alam kong pareho tayong nasa waiting stage. Alam kong pareho tayong natututo sa pagkakataong ito, sa mga oras na’to. Pero may dahilan kung bakit kailngan nating harapin at pagdaanan ‘to.

Sa totoo lang, masakit  na masakit ang maghintay… pero gusto kong malaman mo na you’re worth every pain of waiting,  at excited din akong makilala ka sa takdang panahon. =)

**********************************************************************************************************************

P.S. naisulat ko ito  dahil  nakaka-inspire, nakaka-relate ako at nag-aagree ako sa sinulat ni Jec sa blog niya. :)) Salamat Jec!

Advertisements