Galeriya

Top 10 Reasons Why You Should Not Date a Blogger ;p

Bakit Worst Lover ang Blogger? Heto:

10.  Mabilis makapuna ang blogger. Ang movie  adaptation na to? Sucks! Ang food na yan? Sucks! Ang babaeng katabi sa jeep na proud sa long and shiny hair? Sucks! Ikaw?

9. Hindi madaling i-please ang blogger. Meron na akong ganyan eh. Freeby sa isang event na pinuntahan ko. Uhmm, nakapunta na ako diyan eh. Outing together with other bloggers.

8. Marami kang makaka-away. Una, yung mga haters na mismo ng blogger, pangalawa yung followers na may crush sa kanya. Ayiiiiii!

7. Marami kang kaagaw. Sikat kaya ang blogger, maramings fans. hahah

6. Maububusan ka. Minsan, mauubusan ka ng comment kung hindi ka mahilig magbasa o  mag-observe.  May sasabihin yan tungkol sa kung gaano ka-hellish ang weather, tungkol sa boxershorts ni Pacquiao, tungkol sa color pink na braces ng officemate niya, tungkol sa duling na driver na merong “minimum fear: Php8” ang jeep, tungkol sa pick up lines ni Miriam, at tungkol sa kung gaano kalaaki ang bilbil ng ex nya. At required ka na magbigay ng comment.

5. Baliw ang mga blogger. hahah. Kung gusto niyang mag lugaw sa tag-init, go ka dapat, kung gusto niyang mag ice cream sa tag-ulan, go, kung gusto niyang  mag-fishball kayo habang nakagown at tux kayo, go, kung gusto niyang tignan ang sunsets ng 44 times, go, kung gusto niyang panoorin ang movie ng ilang beses at i-pause ito at i-rewind dahil sa magandang linya, go.

4. Mako-confused ka. Oi, basahin mo ang post ko ha? magcomment ka. Mag-like ka. Tapos, minsan naman,  sana hindi mo nabasa ang post ko yesterday. Password? Sorry, hindi ko pwede ibigay sa’yo.

3.  Required ka mag-role play. Ha?  Bale, kung pa-deep sya, dapat pa-deep ka din. Dahil kung hindi: Alam mo ang babaw-babaw mo! Kung kababawan ang trip niya, dapat mababaw ka din dahil kung hindi: seryoso much?! kung ka-kornihan, magpaka-korni ka din dahil kung hindi: ang KJ KJ mo!

2. Dapat updated ka. Bakit di mo pa nababsa yun? Hantagal tagal na ng book na yun ha. Talaga?!  hindi ka pa nakakapanood nun?! Eh, ika-8th season na kaya ng series na yan.

At number 1. Kung sweet kayo sa isa’t -isa, magdadalawang isip pa yan kung ipopost ang precious moments niyo, kung nag-away naman kayo, ahem, wag kang magdalawang isip kung na-post na ang tungkol sa kung gaano ka kapanget. hahah

So, ano naman yung mga rason niyo? ;p

(scheduled post dahil busy XD)

Advertisements