Galeriya

Mosley: Magpahinga ka na.

Kahapon, hindi ko talaga alam na laban na ni Pacman kaya nabigla pa ako kung bakit ang konti ng dyipni. Biglang pumasok sa isipan kong baka holiday o laban ni Pacman… at tumpak ako sa huli kong sinabi. Pampataas lang ng views ang title kaya kung ayaw mong basahin, ok lang kasi sinayang ko na ang isang minuto mo. Ito yung ginagawa ng bagong gradweyt na wala pang trabaho, nagsasayang ng oras ng iba. heheh

Nung pauwi na kami ng kaibigan ko at marahil tapos na ang labang Pacman at Mosley dahil dumami na ang dyip, parang napansin naming walang may nagyayabang kung gaano kagaling si Pacquaio. Natalo ba si Pacquaio at walang may nagyayabang ngayon? Nagtext ako sa mga kaibigan ko kung talo ba si Pacman, sabi nila panalo naman, eh bakit kaya ganun? Kaya naisipan kong manood na lang nga laban nila.

Ang masasabi ko lang ang boring. Yakap ng yakap kasi si Mosley kay Pacman. Pagkatapos may nalalaman pang tulak. Hindi niyo ba naisip minsan na ang boxing ay nagpo-promote ng Bromance? Kasi yung mga posters ng dalawang boxer, parang maghahalikan, pagkatapos sa labanan mismo, may yakapan.

null

Pero heto ang pinagtataka ko talaga, ano ba ang masaya sa panonood ng dalawang taong sinasaktan ang isa’t-isa?  Matagal ko na talagang gustong malaman ang sagot. Kasi ang laki-laki ng ginagastos sa boxing. Bakit tayo gumasgastos para makita ang dalawang taong sinasaktan ang isa’t isa?

Alam ko sports yun, atsaka dapat ginagastusan ang sports kasi nagpo-promote ito ng healthy living. Pero healthy living ba yung palaging duguan kayo pagkatapos ng sports na yun?

Minsan kasi, nawawala na yung tunay na halaga ng isang sports at kung bakit pino-promote ito. Ang alam ko kasi, may sports para mahikayat ang kabataan o mga tao na alagaan katawan nila, iwasan ang bisyo, at matuto ng teamwork, camaraderie(naks!), maging disiplinado at determinado.

Malaki ang respeto ko kay Pacquaio, bilang isang boxer, malaki ang respeto ko sa lahat ng Pilipinong atleta…pero sana, sana lang, hindi nagkakaroon ang impresyon ang mga kabataan na magandang pumasok sa sports dahil ginagastusan ng malaki ang sports at sa sport, may pera.At mas hindi kaaya-aya kung maisip ng iba na ang sports ay tungkol lang sa basagan ng mukha.

null

Advertisements