Mamamatay na Ako

Sitwasyon ko.eheh

Isang linggo na akong hindi regular ang pagkain.

Minsan, ang agahan ay alas dies na ng umaga, ang tanghalian ay alas 3 at ang hapunan namaý alas sais o alas dies na ng gabi o kya namaý inaabutan na ng ala una ng umaga. Pagkatapos, ang mga makakain ko lang ay pritong meatloaf, sausage, corned beafloaf(para may variety daw),pancit canton,itlog, noodles, cup noodles(variety ulit. hahah) atsaka ginisang corned beef. Ito ang mga palaging nandyan na para bang mga pagkaing nasa multiple choice test, andyan na bilang sagot.

Isang linggo na akong hindi regular ang tulog.

Dahil kailangang maaga ang gising, nagigising pa naman ako ng alas 8  ng umaga kung merong klase mag 8:3o ng umaga, pagkatapos, 6:30 na nagigising kung 8:30 klase ko sa siyudad(isa at kalahating oras ang biyahe mula sa bukid namin).

Oo, 30 minuto lang tapos ko ng ayusin an sarili ko kasi mabilias ako atsaka patay ako kung ma-late ako eh, 10 minuto ang ligo, 5 minuto bihis kasama na ang pagpapalit-palit kung hindi feel ang damit pero madalang lang naman mangyari yun, 5 minuto ang pagsuklay,toothbrush,tingin sa salamin,  at 10 minuto ang paghahanda ng bag, kasama na yung pagbalik sa itaas ng dorm kung bigla kong naalalang may nakalimutan pala ako.

Kung anong oras akong natutulog ay hindi ko na alam, hindi na ako maaga matulog kasi umaga na ako natutulog. Dalawang oras ng tulog ay masaya na ko, mahigit dyan ay sobrang saya ko na, 8 oras na tulog ay baka magtanong na akong “Ale, nasa langit na ba ako?”

Isang linggo na akong pagod.

Bilang isang estudyanteng may thesis, isang student assistant, at eic  ng isang paper, ay hindi ko na alam kung paano pa ako  hihinga niyan. Tatlong oras palagi duty ko bilang student assistant(gahaman kasi sa pera eh). Yung nakakainis sa pagiging eic ay hindi ko talaga kontrolado lahat, kasi hindi ko naman kayang sulatin lahat eh, tsaka di ko nga alam kung ano yan. hahah.

Yung thesis naman, ay sinasabayan ng isang business proposal para sa marketing(at case study pa), critical assessment of the 8 management functions ng isang kompanya para sa human resource, at isang training module para sa training na subject. Sumisingit rin ang Aqua Sci na may food demo tsaka pagtuturo sa elementary students tungkol sa panganagalaga ng karagatan. Nasabi ko bang may exams tsaka quiz na parang exam lang?

O, sige lovelife,sisingit ka pa? Kung sisingit ka pa,isipin mo na lang na ang schedule ko ay parang jeep na merong 20 kataong capacity, may 25 na sa loob di pa kasama ang drayber, at sinasabi ng konduktor na  “lima pa,lima pa, ang luwag,luwag pa! ” Kung ganyan eh, sumakay ka na lang muna sa ibang jeep. Ano ba pinagsasabi ko dito? hahah. Parang walang sense. hahah

Naisip ko, mamatay na ako,kasi minsan inuutusan ako sa pinagtatrabahuan ko,hindi ko na sila marinig ng tama,pagkatapos feeling  ko kung au-ano na nakikita ko, pagkatapos parang gusto kong tumawa tsaka umiyak. Ay baliw? wahahah. Basta ganun. 🙂 heto na nga mukha ko eh:

Mukha ni Kat ngayon. :D

Sinong nagsabing stressed ako?! Hindi ah!

Dahil sa lahat ng ito, naalala ko nga palang templo ng Diyos ang katawan natin, kaya naman dapat nirerespeto natin ito,pinapahalagahan,inaalagaan at hindi inaabuso. Hindi ko nagagawa ang mga ganyang bagay kaya “Lord, sorry ha? Naging pabaya ako”

Kaya nga pinakain ng Diyos ang limang libong tao kasi alam niyang hindi sila dapat nagpapagutom. Alam niyang importante ang pagkain.Kaya nga may oras na ginising si Jesus habang may bagyo at nasa bangka sila, kasi nagpapahinga rin siya at alam niya ang halaga ng tamang tulog. Alam niyang importanteng merong oras para sa pagpapahalaga, pag-aalaga, at pagbibigay pahinga ng sariling katawan.

Lord, sorry ha? Alam niyo pong kayo ang nagbibigay sa’kin ng lakas. Salamat po  sa mga taong nagiging inspirasyon ko ngayon, si mama,  yung 2 kong kapatid, at iba ko pang pamilya, mga kaibigan ko, at yung dalwang taong palaging pinagpapasensyahan ang pagiging bugnutin ko,Nurz at France. 🙂

Smile pa rin kasi baka meron ding  taong stressed na nawawala ang pagod pag naka-smile ang nakkikita niya sa paligid niya. Naisip ko rin,meron pala akong prebilihyong mag-aral habang ang iba,pangarap lang ‘to. 🙂 Lord, salamat ha? 🙂

null

Advertisements