Galeriya

Dyipni

Isa at kalahating oras ang biyahe ko papuntang opisina; kaya mag-post lang ako ng mga random na bagay na pumapasok sa isip ko habang nasa dyipni ako. Kunwa-kunwarian kasi akong nag-iisip ng malalim sa dyip para hindi ipaabot sakin ang pamasahe. Effort eh.

Minsan iniisip ko na napaka-ironic pala ng buhay. Ang trabaho ko ay magpaaral ng  1000 plus  na iskolar, pero sarili kong kapatid, di ko mapaaral.  Paano ko ba sasabihin sa nanay ko na ang sweldo ko tuwing akinse ay hindi aabot sa 9k para pambayad sa tuition ng kapatid ko. Siguro sabihan ko na lang siya na “Ma, isa akong project officer, di ako callcenter agent”.

Minsan iniisip ko na hindi ko pala kaya ang trabaho ko. Nasasaktan kasi ako tuwing may tatawag, may magtatanong kung nakapasa ba ang anak nila sa exam.. tapos sasabihin ko na “sorry ma’am, wala” na para bang wala akong nararamdaman.  Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, ang makapagdala ng masamang balita o magkunwaring hindi ka apektado sa masamang balitang dala mo.

Masakit din kapag merong request tapos hindi ma-aprubahan   Hindi ko alam kung alin ang mas masakit, yung katotohanang wala ng magbabago kahit anong gawin mo o may magagawa ka sana pero walang may nagbago.

Gusto ko sanang magpa-tatoo. Para sa susunod na sabihan akong “weakling”. Ipapakita ko na lang  tatoo ko tapos sabihin ko na “Kita mo tong tweety bird tatoo ko?! Nangangagat yan! Sinong weakling ngayon?!”

Tapos bigla kong naalala, na gusto kong magturo sa mga special children, gusto kong sumulat ng libro, gusto kong maging isang photographer,  isang taong walang pakialam sana sa perang makukuha niya sa ginagawa niya,o maging isang taong palaging maalala  na ang pinakaimportanteng bagay sa mundo ay hindi bagay.

At dahil hindi ko na alam kung paano  tatapusin ang post na ‘to…

Manong, Para.

null

Advertisements