Galeriya

Katwoman

Ayoko sanang magpost muna kasi, kasi sira-ulo ako.   Mahigit isang buwan din akong galit sa isang tao. Sa totoo lang, nakakapagod palang magalit at dahil tamad ako, ayoko ng magalit. Naniniwala din akong kahit galit ako, at kahit na may kasalanan ang iba sakin, wala  pa rin akong karapatang saktan sila sa kahit anong paraan. Kaya humihingi ako ng tawad. Naging iresponsable ako sa aking pananalita,naging ma-pride at wala sa lugar. Hindi talaga tungkol dito post ko kasi ayoko ng pag-usapan ‘to atsaka bati na kami ng kaibigan ko.

Busy-busyhan ako ngayon kasi sa sobrang sakit ni buwanang dalaw, nahihirapan akong matulog kaya naman, bigla kong  naayos ang carrel ko, na-fold ang mga damit sa cabinet ko, natahi ang sira kong wallet  at naisipang gumawa ng “keychain voodoo doll” na nireregalo ko sa mga kaibigan ko noon, pero hindi ko nagawa ang huli kasi wala na pala akong mga tela atsaka alas tres na ng umaga.(Seyoso,gumagawa talaga ako ng voodoo doll. :))

Pagkatapos alas sais palang ng umaga eh, may tumatawag na sa’kin kasi may shooting daw para sa PI 100(Life and works of Rizal) reporting namin. Nasa meeting place na daw sila. Akala ko joke-joke lang yung 6 am na meeting kasi sino ba naman ang mag-memeet ng ganun ka aga. Akala ko parang 6 am ang sinabi para 8 ang meeting, 6 am pala talaga. T.T

Pinapagawa din ako ng website na tinatanong ko pa kung paano gawin, at kahit 5 am na akong natapos mukha pa ring pang-grade 1 ang website na ginawa ko. Bukod dun ay humihingi ng second issue ang org ko para sa publications namin na wala naman talagang budget.Buti na lang love ko yung org ko. Bigla na lang akong pinapagawa ng T-shirt design  na January 31 na ang schedule,may reporting na bawal ang pagbabasa ng notes sa  STS class  sa February 3, may fieldtrip sa Roxas para bumili ng danggit na tuyo sa February 5, at may thesis defense sa February 14.

Gusto ko sanang magdrama tulad nung drama nung president namin sa isa ko pang org nung hindi nakarating ang ibang members sa isang meeting.

“Oo. Kayo lang ang may thesis. Kayo lang ang may papers. Kayo lang ang may reports.Kayo lang ang may exams. Kayo lang ang may orgs. Kasi ako wala. Hindi ako busy. Kayo lang. ”

Pero hindi ko naman kaya ang ganyang drama. hahah. Naisip ko lang, effort pa yang mag-memorize ng linya, kaya wag na lang. Hindi ako superhero at wala akong superpowers kaya please naman, maawa kayo. hahah. Kahit ako si Kat at babae ako, hindi pa rin ako kasing hot ni Anne Hathaway para maging si catwoman kaya hinay-hinay lang mga kabagang at mga professors sa pagbibigay ng assignments, kung pwede lang naman.^^

wala man akong superpowers, meron naman akong ring light candy. :D hahah

Advertisements