Galeriya

Aha.. aha..

Magulo akong kausap ngayon. Kahit ano na lang pumapasok sa utak ko. Medyo malungkot na ewan ko. Gusto kong may maka-intindi sana sa akin pero hindi ko naman ma-explain ng tama  ang nararamdaman ko. Kunwari  na lang kinakausap ko ang isang psychoanalyst na binabayaran ko ng dolyar para makinig lang at magsabing “Aha.. aha..” at hindi sumusulat ng isang blog na may porma.

Kunwari-kunwarian starts now…

Ganito yun Doc. Medyo malugkot ako kasi parang pakiramdam ko hindi ko talaga sinusunod ang mga pangarap ko. Pakiramdam ko nagpapatalo ako sa agos ng buhay(naks, agos ng buhay).

Kung iisipin, wala kong karapatang magreklamo,  kasi bata pa ako, may trabaho ako sa isa sa pinakamalaking kompanya dito sa Cebu,may mabait akong MGA  boypren(joke lang yung MGA ha? ang mag-react,t boypren ko. hahah), nagtapos ako sa isang  prestihiyosong paaralan, at higit sa lahat saksakan pa ako ng ganda(nagbayad ako para rito.wahahah).

Kaya lang hindi pa rin ako masaya. Bakit?Kasi sa totoo lang, gusto ko lang naman ng simpleng buhay. Hindi ko naman ginusto na mapasubo sa isang komplikadong buhay na puno ng expectations, buhay na napi-pressure sa quota, buhay na nakikipag-kompetensya at buhay na meron pang pataasan ng ihi para malaman kung sino ang pinaka sa pinaka, at  yung buhay na natatakot kang magkamali.

Gusto ko sana Doc,  na gigising ako isang umaga at wala na akong paki-alam sa expectations ng ibang tao sa’kin, na hindi ko na muna magiging problema ang quota na hindi ko maabot-abot, hindi na ako makikipag-kompetensy, at hindi natatakot na magkamali.

Kasi gusto ko lang naman Doc na may makain ako at ang mga kapatid ko ng tatlong beses sa isang araw. Gusto ko lang naman, maipagmalaki ako ng nanay ko(na palagi naman niyang ginagawa). Gusto ko lang naman,  magbasa ng libro, magsulat ng mga kwento, tumugtog ng gitara,gumawa ng kanta, matutong mag-drawing,  maglakbay sa mga lugar na hindi ko pa na pupuntahan. At higit sa lahat, tumawa na parang walang bukas.

Pero yun nga Doc, isa sa mga natutunan ko ay hindi lahat ng bagay na gusto mo nakukuha mo kahit best mo pa ang gawin mo. “Eh ano ngayon?” sabi ng isang parte ng utak ko.  Gawin pa rin best mo, kasi kung ganun kahirap makuha gusto mo, ibig sabihin ganun siya kahalaga. Priceless ika nga. Yep, P-R-I-C-E-L-E-S-S, na ang ibig sabihin na sa akin ngayon ay libre pero hindi nababayaran.  Ang gulo kong kausap.

Na-realize ko na hindi lahat ng plano  mo nasusunod kahit na pinag-isipan mo ng ilang beses yun. Eh ano naman ngayon? Pag-planuhan mo pa rin,kasi kapag nagkamali ka, at least, may plano kang babalikan para ayusin diba?

Hindi lahat ng tao magugustuhan ka, kahit mabait ka namna sa kanila.  Eh ano ngayon?! At least, hindi araw mo ang nasisira kapag nagkikita kayo.

Hindi lahat ng creative idea mo, ma-aappreciate, at hindi lahat na idea mong ma-appreciate, sayo ang credit.  Eh ano ngayon?!  Yung credit mananakaw, yung idea mismo,  at yung kapasidad, hindi.

Ang gulo ko lang kausap  Doc.  Dahil magulo ang utak ko, minsan, kinakausap ko na sarili ko,minsan kinakausap ko ang mga taong  di ko kilala, minsan naman natutulala lang ako, at minsan naman gumagawa ako ng mahabang-mahabang post na walang porma. Sa nagbabasa, kung nakaabot ka pa dito, congrats at salamat. =)

Doc: Ahah.. ahah..

 

Advertisements