250 Pesos o Pag-ibig?

Niyakap ko agad si Mama at iba ko pang kapamilya pagkadating ko sa bahay. Nakita ko agad ang mga anak ko, oo, mga anak ko. Hahah. Ang kapatid kong babae na first year highschool na, at dalawa kong pinsan na 7 at 3 taong gulang. Sabi ni mama, kung gusto ko silang ipasyal, bibigyan niya ako ng 300 pesos na budget.  Kaya oo naman agad ako.

Bago kami umalis, inimbita ko muna ang kababata kong si bongbong,este Cesei(www.silverboi.wordpress.com para may kasamang promotion) na samahan kami, na hindi naman humindi. Sinama ko siya para magkasama naman kami matapos ang ilang taon, at para may manglibre. heheh

Nang nasa  Robinson’s na kami, agad nagtanong si Cesei kung sino ba yang si Markki Stroem.

“Bakit hindi mo kilala si Markki, eh major major crush ko yun”, ang sabi ko naman. Sa mga hindi pa nakakakilala kay Markki, isa siya sa mga sumali ng Pilipinas Got Talent  at heto siya.

null

Hahah. Major-major crush ko talaga siya kasi magaling siyang mag-gitara, mag-piano, mag-saxophone at nakakainlab ang boses. Nang naitanong ko kung  bakit niya natanong eh heto sabi niya:

“Kasi Midnight Sale ngayon sa Robinson’s at  pwede raw ma-meet and greet si Markee”

“HA?! Talaga?! Seryoso ka Ces?! Paano mo nalaman?! ”

“Ayun hu, nakalagay sa malaking tarpaulin sa harapan natin”

Ayayay pag-ibig! Kapag sinuswerte ka nga naman. Hindi ko akalaing susundan ako ng mahal kong Si Markki sa Bacolod eh.Hahah.  Minsan nga naman, ang pag-ibig nasa harapan mo na, di mo pa nakikita. Kaya pinilit ko agad si Cesei na bumili kami ng papel at ballpen para magpa-pirma,   sabi ni Cesei, sa T-shirt ko na lang papirmahin,oo naman ako. Ahahah, isa pa, ahahah.(sinusunod tawa ni yin. 😀 )

Alas siete pa raw si Markki kakanta, kaya pumunta muna kami sa “Quantum” at “World of Fun” kung saan inubos ng mga anak ko ang lahat ng rides, as in lahat, maliban sa hindi gumagana .Ang saya-saya naman nila lalo na yung si Xander, ang tatlong taon, atsaka si Xapu,ang limang taon. Ako namaý nataranta sa kanila dahil kung saan-saan tumatakbo.

Oras na para kay Markki! Ang swerte ko kasi ang ganda ng pwesto namin, nakita ko sa malapitan ang crush ko at may phone na  may camera si Cesei, kaya lang nag-wave2 siya sa ibang babae, atsaka nag-kiss pa, sa akin,wala. Huhuh.  Actually, masaya na  akong marinig boses niya, at nag-saxophone pa siya, nakaka-inlab talaga. Tapos pwede raw ma-meet and greet si Markki, magpa-pirma at magpa-picture2 basta merong album  ng Pilipinas Got Talent. Hay naku, minsan, ang pag-ibig hindi libre.

Sabi ko gusto kong bumili ng album eh,250 pesos pala yung presyo. Minsan, ang pagmamahal, eh talaga namang mahal. Yung dala-dala ko 300 lang. 250 o pag-ibig? 250 o pag-ibig? Dilemma talaga, ano  pipiliin mo Kat?

Ang ending eh pinili ko ang 250 pesos… atsaka Pag-ibig. =) Kasi imbes na binili ko nang album ni Markki yung 250, binili ko nang dalawang B1 meal, go large sa Jollibee ang pera, at masayang kumain kasama ang mga anak ko. Minsan nga naman, ang pag-ibig, nasa harapan mo na, di mo pa nakikita. =)

Sa araw na’to , yan ang kwento ni Kat. =)

Advertisements