Dalawang Taon

Palagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam ng isang normal na pamilya. Palagi akong naghahangad ng isang nanay na makakausap ko tungkol sa lablayp ko at tatay na pagagalitan ako kung gabi na akong umuwi… pero hindi ganoon ang sitwasyon ko…

Merong isang teorya sa Psychology na nakalimutan ko na ang pangalan pero si A at B ay subjects at si C ang object. Kapag gusto raw ni A at ni B ang C, ibig sabihin magugustuhan ni A at B ang isa’t isa kasi meron isang common na bagay sa kanilang dalawa. Kung ayaw nila ang C, ibig sabihin, magugustuhan pa rin nila ang isa’t isa, kasi meron silang common enemy. Kung ayaw ni A ang C at gusto naman ni B ang C, di sila magkakasundo. Ganun rin ang mangyayari kung gusto ni A ang C, at ayaw naman ni B. Magulo ba ang pagkaka-explain ko? 🙂 kung oo, may assignment ka, ilagay sa wanport paper ang tagalog ng toothpaste,rolercoaster tsaka wordpress. 🙂

Dalawang taon na ng maghiwalay ang mga magulang ko, pero sa totoo lang, mas ginusto ko ang dalawang taong magkahiwalay sila kesa 18 taong magkasama sila. Bakit?Dahil mas maraming pagkakataon ko silang nakitang nasasaktan at umiiyak sa piling ng isa’t isa.  Dahil gusto kong sumaya sila. Gusto kong respetuhin ang mga desisyon nila. Gusto kong hindi nila pinipilit ang sarili nila sa isang desisyong pagsisisihan nila sa huli..at higit sa lahat,gusto ko kung anuman ang gustuhin nila. 🙂 Tsaka sabi kasi ng isa kong Magulang, “Honor your mother and your father”..kaya nirerespeto ko ang mga magulang ko.

Alam niyo ang natutunan ko sa teoryang nasabi ko?  Natutunan kong hindi lahat ng teorya ay totoo. Hindi lahat ng teorya,pwedeng maiangkop sa sitwasyon ng tao. Pwede kasing kahit di magkasundo si A at tsaka si B, gusto pa rin nilang dalawa si C. 🙂

Palagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam ng isang normal na pamilya. Palagi akong naghahangad ng isang nanay na makakausap ko tungkol sa lablayp ko at tatay na pagagalitan ako kung gabi na akong umuwi… pero hindi ganoon ang sitwasyon ko… kasi nanay at tatay ko, nakakausap ko sa lablayp ko, atsaka ako yung nagaglit sa tatay ko kung hindi siya makauwi ng maaga sa tinitirhan niya ngayon. 🙂

Sa araw na’to.. yan ang kwento ni Kat. 🙂

Advertisements