Kamusta ka na?

Ewan ko kung ano ang meron at ang mga guro namin ngayon ay bigla na lang humihinto sa kalagitnaan ng lecture at nagtatanong; “Kamusta na kayo?”

Nung last week,yung thesis adviser namin, bago siya nagsimula ng klase, tinanong niya muna sa’min kung ano ang pinagkakaabalahan namin,kung ano ang rason kung bakit pagod na pagod kaming tignan,at kung kamusta na kami.

Kaninang umaga naman,huminto talaga teacher namin para tanungin lang  “Wazzup with you guys?”. Englishera teacher ko eh.  Dumudugo nga ilong ko kanina. Kinabahan ako kasi akala ko nakita niya akong nagdo-drawing ng kung anu-anong stick figure. Di naman pala.Sinara niya laptop niya sabay sabing isa siyang guidance counselor noon.

Kami namaý tingin-tingin lang sa classmates o seatmate at tinignan kung merong pwedeng kopyahan ng anwer para sa tanong na yun. Wala akong may nakopyahan,kasi,ako lang pala nakakaalam kung kamusta na ako.

Naisip ko,ang saya sana pag may sumagot ng “Kasi maám pumalpak ang pagretoke ng panga ko!” o kaya namaý “namatay alaga kong praying mantis!”o kaya “hindi kasi kumaway crush kong si Bentong sa’kin” pwede ring “coz Dora is more famous than me!”. Pero walang ganun.

Anong problema? Pagod dahil andaming gagawin.Pagod dahil sa deadlines. Pagod dahil hindi na namin kaya ang mga requirements. At tsaka.. pressured kasi ang hirap  pumasok sa unibersidad na ‘to,pero mas mahirap pala  lumabas.huhuh

Dahil dito, naisip kong, di’ba may pagkakataong tinatanong tayo ng iba na “Kamusta ka na?” para magpakita ng politeness?  Naisip kong importante pa rin pala na magtanong ng “Kamusta ka na?” dahil gusto mo talagang malaman kung kamusta na ang tao. 🙂 Kaya, sa nagbabasa nito;”Kamusta ka na?”

null

Advertisements