Galeriya

Sorry Sir…

Kanina, tiningnan ko yung fb wall ng group ng highschool batch ko. Medyo matagal kong hindi na-visit yun kasi busy ako sa pagpapabasa ng saranggola entries ko na Dalawang Sintas at Mga Signos(nag-promote pa oh!^^). Tsaka mas palagi akong pumupunta sa wall ng elementary group ko kasi officer ako dun,nung highschool, parang ewan lang ako. Pagkatapos, bigla akong nagulat sa naka-post dun. Nagulat tsaka parang nasaktan na rin.

Nagpost kasi ang teacher namin sa chemistry nung third year ng isang mahabang post tungkol sa kung gaano kami kabastos na batch. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari pero kilala ko ang teacher na yun at siya yung tipong marunong umintindi at nasa katwiran kung magalit.

Ayon sa kanya, kahit anumang honors ang meron kami, anuman ang nakamit naming success, at kahit nasa college na kami, hindi magbabago ang katotohanang naging teacher namin siya. Kaya dapat lang na respetuhin namin siya at iwasan ang mga below the belt na tira sa wall kahit pa nakikisakay siya. Ayon pa sa kanya, baka tama nga ang desisyon ng prinsipal namin noon na kami ang maging last batch ng star section(tinitingala) at gawing gem(mga batong inaapakan) dahil sa mga pag-uugali namin.

Hindi ko talaga alam ang nangyari pero parang may ideya na ako dahil sa post,hindi lang ako sure kung ganun. Kung anuman, humihingi ako ng tawad sa guro namin. He deserves to be respected and be given due worth. Magaling siya na teacher at siya yung isa sa hindi ka matutulog sa klase. Hindi ko akalain na aabot sa pagkakataon na magkakaroon ng di pagkakaintindihan ang batch namin at ang teacher namin.

Isa siya sa mga teacher na nagbigay ng tsansa sa’kin dahil talagang mahina ako sa chem. Palagi akong late sa klase niya dahil sa mga personal na bagay na rin o mga problema sa pamilya ko(pero that’s another issue) pero ginusto kong matuto dahil sa standards ng teaching na pinakita niya.

Sir, sana mapatawad mo pa kami. Tama ang mga sinabi mo sir kung kaya’t taos-puso akong humihingi ng tawad.

Advertisements