Galeriya

Dear Mama

Ma, habang nasa dyipni ako, iniisip kita. Naalala ko lang kasi na nanganganib ang graduation ko dahil di ako magaling sa Statistics. Kasalanan ko ‘to, kasi galit na ako sa Mathematics nung bata pa lang ako. Sino ba nag-imbento nun at parang gustong pahirapan buhay ng mga estudyante? Hindi ko naman nabagsak ang any math subjects ko ma, kaya lang.. basta e-explain ko na lang kung magkita tayo.

Nalulungkot tuloy ako, bukod sa nahihiya ako sa taong bayan na siyang nagbabayad ng tuition ko, nahihiya ako ng sobra sa’yo dahil panay ang pagpapadala ko kasi wala na akong makain dito. Kilala na kaya ako nung guard sa Cebuana Lhuiller(damang-damang pera padala), nung empleyado ng ML kwarta padala(numero uno sa padala), at nung babae sa Palawan Pawnshop(nalimutan ko ang tagline).

Ganito kasi yun ma, hindi lang naman dapat tatlong beses sa isang araw kumakain ang isang estudyante, kasi kailangan ng midnight snack sakaling may exam kinabukasan(oi, gawa-gawa). Minsan nga “half-rice” lang kinakain ko. Kung tatanungin ako bakit half lang, sasabihin kong “nasa diet ako”, para naman sosyal. Pagkatapos ang kapal ko pang humingi ng “free soup”. Tsaka uso mineral water dito kasi di masyadong safe ang tubig sa Iloilo(below sea level kasi).(1 paragraph talaga para lang mag-excuse)

Tsaka ma, nakikibasa na lang ako ng mga pinapa-photocopy nung mga teachers ko. Bukod sa wala talaga akong ganang magpa-photocopy, mahlig lang akong magread pero wala akong ganang magbasa ng readings, wala pa rin akong pera sakaling magkagana akong gawin ang dalawang una kong nabanggit.

Ma, naalala mong double major ako? Psychology-Management na ako ngayon. Bakit kailangang double major? Eh kasi mayabang ako. Ibig sabihin kailangan kong pumunta sa Iloilo City tuwing Wednesdays para sa Management subject ko. Tumaas na po ang pamasahe, 30 pesos na ang papunta dun(dati 25 lang yun). PAgkatapos kung uuwi naman ako sa Miag-ao, Php 38 na, basta mga Php 88 lahat gastos ko sa pamasahe pa lang. Tsaka Php 6 na po pala ang pamasahe sa tricycle dito sa loob ng campus, php 8 kung walang class.

Ma, sorry talaga. 😦 Nahihiya na ako sa’yo. Andami ko pa namang pangako sa’yo. Na magpapatayo ako ng bahay malapit sa beach, na ibibili kita ng lahat ng mga bagay na gusto mo, at magpapahinga ka na agad sa pagtatrabaho kung maka-graduate na ako.

Hmmm, pero alam mo, habang iniisip kita sa dyip kanina…naisip ko,  may ilang days pa naman para tapusin ang mali namin.  Kung grumadweyt ako, hindi yun dahil bigla akong gumaling sa statistics, kundi dahil mahal lang talaga kita.

Nagmamahal,

Kat

Advertisements